Dennis Trillo: "I don't pay for sex!"


"Kailangan ‘yon para makaiwas sa kung anumang after-problems," says Dennis Trillo about using condoms and practicing safe sex.



Matagal nang nai-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dennis Trillo, pero puro tungkol sa career at lovelife lang ang topic. Sa pagdiriwang ng kanyang 26th birthday noong May 12, tinanong namin si Dennis ng sexy questions na, in fairness, ay sinagot nito kahit lapit nang lapit ang manager niyang si Popoy Caritativo.



Are you a butt, boobs, or leg person?

"Ano ako, butt person at madaming butty female celebrities. Mas maraming mapuwet kesa boobsie at puwedeng magpagawa ng butt. Pero napansin ko, ang iba'y hindi maganda ang pagkakagawa at parang malalaglag. Maganda sana kung firm." (Killjoy lang si Dennis dahil ayaw niyang magbanggit ng pangalan.)



Do you go for flings?

"Yes! Dahil mahirap i-resist lalo kung gusto mo at mas mabilis ang process. Kailangan lang malinaw ang usapan na hanggang fling lang ‘yon at madaling matapos."



May mga artista ka na bang naka-fling?

"Oo." (Matagal niyang sinagot ang tanong na ito at hindi siya nagbanggit ng pangalan.)



Do you use rubber and do you always practice safe sex?
"Kailangan ‘yon para makaiwas sa kung anumang after-problems."



Gumagamit ka ba ng girls for hire?
"No, never! I don't pay for sex."



Which do you prefer, younger or older women?

"Hindi problema ang age, basta nakita mong ready na siya. Puwede from 18 years old above, pero hindi ko na kaya ang 40 years old. Ha-ha-ha!"



Saan mo dinadala ang natitipuhang babae, sa condo mo o sa motel?

"Sa condo dahil never pa akong nakapasok sa motel. Hindi pa rin ako nakapunta sa girlie clubs gaya ng Pegasus. Takot akong pumasok sa mga gaya noon at baka may voyeur camera at makunan ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN