Two evicted housemates will return to "Pinoy Big Brother"


Pinoy Big Brother viewers have the power to decide, through voting, who among the evicted housemates (clockwise) Jasmin Engracia, Kian Kazemi, Zeke Dimaguila, and Wendy Valdez, are going back inside Big Brother's house.



Napagdesisyunan ng Pinoy Big Brother (PBB) management na muling bigyan ng pagkakataon ang dalawa sa apat na evicted housemates na muling makabalik sa Bahay ni Kuya. Ito ang latest development na mangyayari this coming week as four of the previous evicted housemates will try to live in a secluded room in the PBB house, until the viewers and supporters of the show choose the two most deserving housemates to again be part of the regular PBB selection.

Medyo inulan ng kontrobersiya at pagtatanong ang hakbang na ito ng PBB, lalo pa't first time itong gagawin, officially, bilang bahagi ng contest. Sa Season 1 kasi ay nabigyan ng pagkakataon ang isang housemate (Jenny Suico) na makabalik sa Bahay ni Kuya matapos itong umalis dahil sa namatay ang ama nito. But this time around, iba ang sitwasyon dahil apat sa mga natanggal na ang pagpipilian.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), "there is a clear-cut policy and ruling on this. This has had happened in some countries like India, and we see no reason why we could not do it here, lalo pa't ang apat na pumasa sa aming selection process ay iyong mga housemates na nagmarka ang pagiging karakter at pagiging Pinoy sa loob."

Inaasahan na raw nilang may mga grupo at mga taong hindi papabor sa kanilang bagong contest scheme, pero nilinaw ng PEP source na "para sa mas ikagaganda ng programa at bahagi ito ng pakikilahok ng PBB sa globalisasyon ng programa na ngayon ay patuloy na umaani ng magandang viewership at following worldwide."

Ang apat na mapalad na ex-housemates na magkakaroon ng pagkakataon na muling maging regular housemates at maaaring manalo eventually sina Jasmin Engracia, Zeke Dimaguila, Kian Kazemi, at Wendy Valdez.

Dalawa sa kanila ang posibleng makapasok uli sa Bahay ni Kuya at muling makibahagi sa regular na kalakaran sa kontes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This week ay pansamantala silang titira sa isang secluded area at doon ay gagampanan nila ang mga tasks na iaatang sa kanila ni Kuya. Monitored din sila at guided ng parehong rules and regulations. Then come Saturday, May 19, ay iaanunsiyo ang dalawang lucky housemates na makakakuha ng mataas na votes from the viewers at iyon ang magsisilbing hudyat ng kanilang pagbabalik bahay ni Kuya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN