Keempee de Leon denies courting Pauleen Luna again


"Mag-aasawa siguro ako mga middle 30s na kasi ‘yong iba kong mgakaibigan, nag-asawa sila 37 na. Madaling mag-asawa, pero maha-handle moba iyong responsibility nito? Ibang chapter na iyon ng buhay ko na alamkong dapat kong paghandaan... But I know darating din siya. I'll just wait forthat moment," says Keempee de Leon.



Pagkatapos ng nabalitang panliligaw kina Cristine Reyes at Pauleen Luna, wala nang nabalita na niligawan o naging girlfriend si Keempee de Leon.



Kung noon ay kabi-kabila ang naging girlfriends ng aktor—from Manilyn Reynes, Carmina Villarroel, Vina Morales, to name a few—ngayon naman ay parang hirap nang pumasok sa bagong pakikipagrelasyon si Keempee.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Keempee, sinabi niya na gusto niyang mahanap ang babaeng talagang para sa kanya. Marriage is maybe far from his plans right now and his career may still be his first priority, but God's perfect partner for him is a dream he's hoping to come true.

Ayon kay Keempee, "Siyempre, iniiisip ko na rin na kahit hindi muna ako mag-asawa, iyong magkaroon lang ng girlfriend na seryosohan talaga. Iyong tipong pinupuntahan ka sa taping, dinadalaw ka, nasasama mo sa work mo and family gatherings. Iyong may nag-aalaga sa iyo, naglalambing, nagke-care, nakakausap mo. And you can really be yourself dahil alam mong tanggap at mahal ka ng taong ito, with no ifs and buts, no conditions. Kumbaga, iyong girlfriend talaga in the truest sense of the word.



"At this moment kasi, I just go out on dates, hindi ko pa talaga nahahanap iyong right girl for me kasi busy rin sa trabaho. Bihira rin akong makalabas kaya ibinubuhos ko lahat ng attention and time ko doon sa opportunity ng trabaho.

"Mag-aasawa siguro ako mga middle 30s na kasi ‘yong iba kong mga kaibigan, nag-asawa sila 37 na. Madaling mag-asawa, pero maha-handle mo ba iyong responsibility nito? Ibang chapter na iyon ng buhay ko na alam kong dapat kong paghandaan. Hanggang wala pa, focus muna ako sa career ko and sa anak ko. But I know darating din siya. I'll just wait for that moment," sabi ni Keempee.

Hindi naman itinatago ni Keempee ang pagkakaroon niya ng anak sa pagkabinata. Ipinagpapasalamat nga ni Keempee na maganda ang relasyon niya sa anak at sa ina nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Okay kami ng anak ko, nagte-text kami, nag-uusap, we go out. She turned 11. Sa mother naman ng anak ko, we're also okay, magkaibigan kaming dalawa," nakangiting pahayag ng anak nina Joey de Leon at Daria Ramirez.

Samantala, pinabulaanan naman ni Keempee ang balitang nililigawan niya uli si Pauleen. Ayon pa nga sa balita, patago ang ginagawa niyang panunuyo sa young actress.



"That's not true," diin niya. "Okay na kaming ganito, we're friends. Mas naging strong iyong relationship namin as friends. Mas at home kami sa isa't-isa, mas relaxed, nagbibiruan. Before kasi may tension, ang hirap lalo na magkasama kami sa trabaho [Eat Bulaga!]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN