Angelu de Leon wants to go back to school


"Hindi ko pa alam kung ano talaga ang gusto kong pasukin na professionother than showbiz. But definitely, kapag naramdaman ko na sa sarili kokung ano ang gusto kong field other than the entertainment world, doonako makakapag-decide kung ano ang college course na kukunin ko," says Angelu de Leon.



Nagbabalak ang aktres na si Angelu de Leon na muling bumalik sa eskuwelahan. A high school graduate, alam ni Angelu ang kahalagahan ng edukasyon kaya hindi niya tinatalikuran ang posibilidad na makatapos din ng kolehiyo.

Ano namang kurso ang kukunin niya if and when she decides to go back to school?

"I still have to find my niche. I mean, hindi ko pa alam kung ano talaga ang gusto kong pasukin na profession other than showbiz. But definitely, kapag naramdaman ko na sa sarili ko kung ano ang gusto kong field other than the entertainment world, doon ako makakapag-decide kung ano ang college course na kukunin ko.

"Mahirap naman kasi na basta na lang ako mag-e-enroll sa kahit na anong kurso na hindi ko gusto, baka hindi ko rin matapos. Kaya kailangan talagang pag-isipan kong mabuti. Kung kailan ako mag-aaral ulit? The soonest time possible," pahayag ng aktres sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Napag-alaman din ng PEP na wala palang manager ngayon si Angelu. Siya mismo ang namamahala ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanyang showbiz career.

"But I think iba pa rin talaga ang may manager," pag-amin ni Angelu. "Iba pa rin ‘yong may mga lumalakad para sa mga projects mo. Ako kasi, I can only depend sa mga connections ko ngayon, pero hindi naman ganoon karami ‘yon. Kaya I am planning na kumuha na ulit ng manager, para siya na ang bahala sa career ko. Naisip ko iyan since ang huli ko pang film project, matagal na, ilang years ago pa, ‘yong Aishite Imasu namin nina Judy Ann Santos at Dennis Trillo."

Sa ngayon na medyo wala siyang pinagkakaabalahan, Angelu spends quality time with her two daughters, Nicole and Louis. Presently, walang boyfriend si Angelu, although she goes out on friendly dates.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN