Baron Geisler denies entering a rehab facility


"Nagtataka nga ako, hindi lang naman ako ang artistang umiinom, bakit ako ang laging napupuntirya? Ako na mismo ang nagsasabi, never akong pumasok sa kahit na anong rehab. Walang rason para gawin ko iyon," says Baron Geisler.



Hindi matapus-tapos ang mga isyu laban sa young actor na si Baron Geisler.

Pagkatapos ng mga balitang nalasing siya sa isang bar at sa isang shower party, ngayon naman ay may kumakalat na balita na hinalikan niya diumano nang walang paalam ang isang tomboy sa isang party. Dahil magaganda ang mga nabanggit na tomboy, hindi diumano napigilan ni Baron ang sarili at hinalikan nito nang walang sabi-sabi ang isa sa mga ito.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Baron ay agad namin siyang inusisa tungkol dito.

"Ano na naman ‘yan?" nagtatakang tanong niya. "Hindi ko alam na may ganyang isyu na naman tungkol sa akin. Wala, walang ganyang insidente. Wala akong hinahalikan na kung sino sa party, lalo pa nga't hindi ko naman kilala.

"At mga tomboy raw? Bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi naman ako bastos na tao," seryosong pahayag ni Baron.

Sumasama na raw ang loob ni Baron kapag nakakarinig siya ng kung anu-anong intriga tungkol sa kanya, lalo raw kung halatang imbento lang at malayo sa katotohanan ang balita.

"Hindi ko alam. Wala naman akong ginagawa, wala naman akong inaagrabyadong tao, bakit hindi ako tinitigilan ng mga issues?" sabi niya.

Pinabulaanan din ni Baron ang balitang boluntaryo siyang pumasok sa isang rehabilitation center para maayos ang kanyang mga problema.

"Hindi totoo ‘yan," mariin niyang sabi. "Kung kailangan kong gawin, bakit hindi? Kung talagang wasak na ang buhay ko at pagpapa-rehab na lang ang solusyon, oo gagawin ko. Pero ang kaso, wala naman ako sa point na kailangan kong magpa-rehab. Hindi ako drug addict at hindi ako alcoholic na tulad ng iniisip ng iba.

"Nagtataka nga ako, hindi lang naman ako ang artistang umiinom, bakit ako ang laging napupuntirya? Ako na mismo ang nagsasabi, never akong pumasok sa kahit na anong rehab. Walang rason para gawin ko iyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baka kailangan niya ng isang inspirasyon, isang babaeng mag-aalaga sa kanya para hindi na siya nasasangkot sa kung anu-anong intriga?

"Wala pa kasi akong makita," sabi ni Baron. "Hindi naman puwedeng porke't gusto mo nang magkaroon ng karelasyon, mangyayari na agad iyon. Ano kasi iyon, either hanapin mo at makita mo, or kusa na lang iyong darating. Sa ngayon, hindi pa siguro right time para magkaroon ako ng karelasyon, so trabaho muna ang pagbubuhusan ko ng oras at atensiyon ko."

May napabalitang isang foreigner ang bagong inspirasyon ngayon ni Baron. But when asked about this, sinabi niyang kaibigan lang niya ito na nagkataong pumasyal sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN