Joyce Jimenez denies sex video with Piolo Pascual


"Wala talaga, wala akong sex video with Piolo or with kahit na kanino. I'm not stupid to do that naman. Please! Alam kong kakalat ang ganyan kaya bakit ko gagawin? And there's no reason naman for me to do such a thing," says Joyce Jimenez (left) about her alleged sex video with Piolo Pascual.



Usong-uso pa rin hanggang ngayon ang mga sex scandals involving famous celebrities, lalo na sa cell phones at sa Internet.

Recently, ang Pantasya ng Bayan na si Joyce Jimenez ang nasangkot sa ganitong iskandalo. At ang sinasabing ka-partner niya diumano sa "sex video" ay ang matinee idol na si Piolo Pascual.

Sa halip na magalit, tawa ang isinagot ng sexy actress nang usisain ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung totoong sila nga ni Piolo ang mga "bida" sa kumakalat na sex video.

Ayon kay Joyce, baka ikatuwa pa niya kung sila nga ni Piolo ang nasa sex video dahil isang Piolo Pascual ang ka-partner niya. Pero wala raw silang sex video ni Piolo at imposibleng magkaroon sila nito.

"My God! How I wish!" bulalas niya. "Paano at bakit naman kami makukunan ng sex video ni Piolo? Saan? Never naman kaming nagkaroon ng relasyon, at never naman kaming gumawa ng sexy na movie. Nakakatawa ‘yang isyu na ‘yan."

Isang pelikula lang ang pinagsamahan nina Joyce at Piolo, ang I Think I'm In Love, na isang romantic comedy.

"Kung galit ako sa isyu na ‘yan? No, as in natatawa nga ako dahil sobrang imposible talaga. Na sana nga, totoo nga, si Piolo Pascual iyon, ‘no! Kaya nga, how I wish talaga na meron nga kaming ganoon!" natatawa niyang sabi.

"No seriously, I was not even aware na may ganyang intriga. Wala talaga, wala akong sex video with Piolo or with kahit na kanino. I'm not stupid to do that naman. Please! Alam kong kakalat ang ganyan kaya bakit ko gagawin? And there's no reason naman for me to do such a thing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN