Boy Abunda believes Kris Aquino will not leave him alone in "The Buzz"


"Hindi ko alam kung aling show ang sinasabi niyang hindi na niya babalikan. Ayokong mag-speculate, pero sigurado akong hindi niya ako matitiis iwanan sa The Buzz," says Boy Abunda about the rumor that Kris Aquino will not return to the show they co-host.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host na si Boy Abunda sa set ng The Buzz noong Sunday, May 13. Hiningi namin ang kanyang reaksiyon sa iba't-ibang issues concerning his talent and co-host sa The Buzz na si Kris Aquino.

Totoo nga ba na hindi na babalik sa The Buzz si Kris? Sinabi kasi ni Kris na isa sa kanyang mga palabas o programa sa ABS-CBN ang hindi na niya babalikan. Maraming espekulasyon na ang The Buzz ang tinutukoy ni Kris, bagamat wala pa namang definite na pahayag ang kabiyak ni James Yap. Ang iba pang shows ni Kris ay ang Pilipinas Game KNB?, na hinu-host ngayon ni Edu Manzano, at ang magbabalik na Kapamilya Deal Or No Deal.

"Hindi ako naniniwala kasi hindi niya ako matitiis," paunang pahayag ni Boy. "Hindi naman categorically sinabi ni Kris na The Buzz ang hindi niya babalikan. Hindi ko alam kung aling show ang sinasabi niyang hindi na niya babalikan. Ayokong mag-speculate, pero sigurado akong hindi niya ako matitiis iwanan sa The Buzz."

Gusto raw kasi ni Kris na gawing family day ang Sunday, kaya raw pinag-iisipan na nitong iwan ang Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN. Pero sabi ni Boy, puwede pa rin namang maging family day ni Kris ang Sunday. Kailangan lang niyang mamili kung anong time of the day on a Sunday gustong makasama ni Kris ang kanyang family—before or after the show.

Sabi ni Boy, "Pero naiintindihan ko ang point na iyan ni Kris. When I was in GMA-7 before, I was also doing a Sunday show for the longest time. Hindi ko na natagalan kaya I quit. Naiintindihan ko si Kris because she has a baby. But Kris has this special talent to balance her life. Naniniwala pa rin ako na kaya niyang maging pamilyadong ina at hindi niya kayang iwanan ako sa The Buzz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa itinuturong dahilan kung sakaling mag-decide si Kris na iwan ang The Buzz ay ang tampuhan nila ni Crisly Fermin, isang kasamahan din nila sa programa. Nag-ugat ang di pagkakaunawaan sa pagkakasangkot ni Cristy sa isyung James Yap at Hope Centeno. Si Cristy ang unang nagbalita nito kay Kris, na ikinasama raw ng loob ni Kris kay Cristy.

"Hindi ko alam iyan, pero sana maayos kung anuman ang problema nilang dalawa. Ayokong panghimasukan yan. Dasal ng isang kaibigan talaga, kung anuman yan, sana magkaayos," sabi ni Boy.

Hindi ba siya gumawa ng paraan para magkaayos sina Kris at Cristy, na parehong malapit sa kanya?

Ayon kay Boy, "Nasanay ako sa kanilang dalawa na nagbabangayan ngayon, may diskusyon, may argumento. Bukas, nagtatawanan. Nasanay ako nang ganoon. Kaya noong napabalita yan, sabi ko maaayos yan. Mahal na mahal naman nila ang isa't-isa."

Kung sakaling magkatotoo ang espekulasyon na hindi babalik si Kris sa The Buzz, handa ba si Boy dito?

"Oo naman," sagot niya. "You are never ready for things like that. Ang tanong, kakayanin ko ba? Siyempre naman, kakayanin. Kakayanin, pero malulungkot ako. That's the word—malulungkot ako."

Sabi naman namin, The Buzz will never be the same without Kris.

"Your line, not mine," sagot naman ni Kuya Boy. "We will survive. We will survive. It's not it 'will never be the same'. It's always fun to be with her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN