Julia Clarete is now a mother!


Actress/TV host/singer Julia Clarete is now a mother. Julia gave birth to her first child with husband Stephen Uy at 3 a.m. today in St. Luke's Hospital.


"Pare, ermats na ko! Yeehah!!!'"

Ito ang text message na natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula kay Julia Clarete alas-dose uno ng tanghali today.

Nanganak si Julia sa St. Luke's Hospital kaninang alas-tres ng umaga, May 15. Lalaki ang unang anak nila ng kanyang asawang businessman na si Stephen Uy. Pinangalanan nila itong Sebastian Uy.

Normal delivery si Julia. Last week pa nga niya ini-expect na magsisilang siya. Last week, when we asked for her condition kung nanganak na siya, nagbiro siya na "tinataktak na" niya na raw para lumabas.

Sebastian weighs 6 lbs. at 20 inches ang haba.

Nakatakdang lumabas sa hospital ang mag-ina this week din.

Wala pang date na naka-set kung kailan bibinyagan si baby Sebastian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN