Mark Lapid and Tanya Garcia still mum about Yuri Park's expose


Pampanga governor Mark Lapid and girlfriend Tanya Garcia still choose to keep mum about Yuri Park's claim that she is the wife of Mark and that they have a child together. In a text message to PEP, Tanya said: "Ayaw na magbigay ng statement ni Mark..."


Ilang araw bago ang May 14 elections, lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga dokumento na nagsasaad na kasal na pala ang gubernatorial candidate na si Mark Lapid sa isang Koreana, na nagngangalang Yuri Park, at meron na silang anak.

Marami ang nagulat at talagang na-shock sa naturang exposé. Nandiyan din ang pagpapa-interview via phone patch ni Yuri Park, na kasalukuyang nasa Korea, sa Showbiz Central noong May 13. Inamin ni Yuri na nagnanais na nga si Mark na i-divorce siya. Marami pang ipinahayag si Yuri na masasabing negatibo for Mark, na tumatakbo for reelection as governor of Pampanga.

Bago pa man lumabas ang tungkol sa pagiging married man ni Mark, nakakausap na ng PEP si Tanya Garcia, ang girlfriend ng actor-politician na kasalukuyang buntis sa una nilang anak. Ayon kay Tanya, natatawa lang siya sa paglabas ng isyung ito. Alam na rin daw niya tungkol dito, pero tumanggi sila ni Mark na magbigay ng kahit anong pahayag. Saka na lang daw sila magbibigay ng pahayag kapag tapos na ang eleksiyon.

Kahapon, May 14, ay ginanap na nga ang eleksiyon. Dahil maaga pa nga ay hindi pa alam ang resulta ng naganap na botohan, pero ayon sa partial unofficial count na nakalap ng PEP, pumapangalawa lamang ang incumbent Pampanga governor na si Mark laban kay Fr. Eddie Panlilio.

Ngayong tapos na ang eleksiyon, sinubukan ulit ng PEP na kunan ng pahayag sina Tanya at Mark. Pinadalhan ng PEP ng text message si Tanya kung saan tinanong namin siya kung handa na silang magbigay ng kanilang pahayag sa mga isiniwalat ni Yuri sa publiko.



Sumagot naman sa text message ng PEP si Tanya, na kasalukuyang nasa Pampanga. Iyon nga lang, tila nagbago na ang kanilang desisyon ni Mark. Kung noong una ay sinabi ni Tanya na magbibigay ng kanyang statement si Mark after the election, ngayon naman ay tila papanindigan na ng actor-politician ang pananahimik sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ayaw na magbigay ng statement ni Mark.... Nasa abogado na raw lahat, e," sabi ni Tanya sa kanyang text message.



Bagama't alam ni Tanya ang buong pangyayari, naniniwala si Tanya na may tamang pagkakataon para magsalita, lalo pa nga raw at nasa korte naman na ang lahat. Bukod pa dito, mas maganda rin na bago siya magsalita, si Mark muna ang magbigay ng kanyang saloobin sa mga pangyayari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN