Anne Curtis is the next leading lady of Aga Muhlach


"Of course, sobrang excited ako, sobrang saya. Alam naman natin na ifit's with Aga, it would be a beautiful story. For me, it's a milestone," says Anne Curtis about doing a movie with Aga Muhlach.


Sa nalalapit na pagbubukas ng Book 2 ng Maging Sino Ka Man, ang primetime drama series ng ABS-CBN, balitang tatanggalin na ang character ng isa sa mga bida ritong si Anne Curtis. Ayon pa sa balita, papalitan na raw siya ni Angelica Panganiban, na napapanood na rin ngayon sa naturang soap opera.

Nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Anne sa dressing room ng ASAP '07 noong May 13, agad namin siyang inusisa tungkol sa nababalitang pagkawala niya Maging Sino Ka Man, kung saan kasama rin niya sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, at Sam Milby. Totoo nga bang mawawala na siya sa programa?



"Ngayon pa lang, kahit hindi pa tapos ang Maging Sino Ka Man, nandiyan na si Angel. So I don't think naman na papalitan niya ako. But I know naman, if ever na aalisin nga ako, I'm sure there would be a reason kung bakit. I'm pretty sure it would be for a good reason," paliwanag ng young actress.

Kung matutuloy nga na mawala sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man si Anne, isang magandang proyekto naman ang naghihintay sa kanya kung saka-sakali. Ito ay ang isang pelikula katambal ang kanyang longtime crush na si Aga Muhlach.



"I'm not sure if it's gonna be a co-prod again of Viva Films and Star Cinema, just like Ang Cute ng Ina Mo, but it's gonna be with Aga," masayang balita ni Anne.

"Of course, sobrang excited ako, sobrang saya. Alam naman natin na if it's with Aga, it would be a beautiful story. For me, it's a milestone. It's a stepping stone because, imagine, lahat ng leading ladies niya niya from Regine [Velasquez], Claudine [Barretto], Kristine [Hermosa], then ako... Di ba, parang wow?"



Papayag kaya siya kung saka-sakaling may kissing scene nila ni Aga, who is 15 years older than her? Aga is 37 while Anne is 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Of course!" mabilis niyang tugon. "It's a movie, it's art, so why not? Saka si Kuya Aga, ever since, when I was young—kahit tanungin ninyo si Tita Ethel [Ramos, Aga's manager]—'pag tinanong ako kung sino ang crush ko, lagi kong sinasabi si Aga Muhlach. To be able to work with him is a dream come true for me."

Samantala, marami ang nakakapansin sa sobrang closeness ngayon ni Anne sa ex-boyfriend niyang si Oyo Sotto. May pag-asa bang manumbalik ang dati nilang pagmamahalan, lalo ngayon na nasa bakuran na ng ABS-CBN si Oyo?

"'Pag first love kasi, iba talaga," sabi ni Anne. "Tipong kahit di kayo nag-usap nang matagal, nagkaroon na kayo ng separate lives, you will always have that soft spot na tipong 'pag nagkita kayo, parang kagaya pa rin ng dati. Ganun kami ni Oyo, nagkaroon ng time na ang tagal naming di nag-usap at nagkita, pero noong nagkita kami, it's still the same, nandoon pa rin ‘yong bonding."

Sa hiwalay na interview ay tinanong din si Oyo kung puwede silang magkabalikan Anne. Aniya, mas mabuting tanungin na lang daw sina Anne at Sam, na nali-link din sa dalaga. Ibig kayang sabihin ni Oyo ay may namamagitan na kina Anne at Sam?



"Sam and I really get along, no doubt about it. Magkasundo kami, lagi kaming nag-uusap. Siguro kasi, we have the similarities, same background, same upbringing na, ‘work, work, work.'



"Walang ibig sabihin ‘yon kay Oyo, nang-aasar lang ‘yon. Mahilig kasing pumanchline ‘yon na parang ‘yong Daddy [Vic Sotto] niya. Kung sinuman ang nali-link sa akin, ‘yon ang niloloko niya," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN