Toni Gonzaga and Sam Milby renew their friendship


"Akala ko lang, nakalimutan na niya ako as friend, pero hindi namanpala. Noong dumalaw siya sa amin, doon lang talaga kami nakapag-usap.Ngayon, nakakapagkumustahan na kami once in a while, balitaan," says Toni Gonzaga about her friendship with Sam Milby.



Inakala noon ng marami na mauuwi sa totohananan ang tambalang Toni Gonzaga at Sam Milby. In our past interviews with Sam, he was very open about his feelings for Toni. Tinanggap din ng matinee idol ang desisyon ni Toni na huwag na niyang ituloy ang kanyang panliligaw.



Hectic schedule, intrigues, and controversies. Ilan lamang ito sa mga nakikitang rason kung bakit sa loob ng matagal-tagal ding panahon ay mukhang nalamatan ang magandang samahan nina Toni at Sam.



But recently, when Toni met an accident during a commercial shoot two weeks ago, the friendship between the two was renewed. Sam took time to visit Toni and show his concern for her.



Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni, inamin niya na dumating ang puntong iniwasan niya ang Ingleserong actor sa pag-aaakalang nakalimutan na nito kung anuman ang magandang pinagsamahan nila.

"Hindi naman sa nagtatampo," sabi ni Toni. "Feeling ko kasi, hindi na ako updated sa buhay niya. Akala ko lang, nakalimutan na niya ako as friend, pero hindi naman pala. Noong dumalaw siya sa amin, doon lang talaga kami nakapag-usap. Ngayon, nakakapagkumustahan na kami once in a while, balitaan."

Ngayong bukas na ulit ang komunikasyon sa pagitan nilang dalawa, posible kayang manligaw ulit si Sam kay Toni?



"Hindi na manliligaw ‘yon," kontra ni Toni. "Iyong sa amin ni Sam, we have this understanding na we will always be there for each other, we will always support each other whatever happens.



"Hindi ko sinasabi na wala, hanggang doon na lang kami. I still don't know what's gonna happen in the future. But one thing for sure is that nothing will change on how we were before sa You Are The One," paniniguro niya.

Bukod kay Sam, isa pang nali-link kay Toni ay ang young director na si Paul Soriano. Si Paul ay ang anak ng direktor ding si Jeric Soriano at apo ng yumaong aktor na si Nestor de Villa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Consistent si Toni sa pagsasabing walang romantic angle na involved sa kanila ni Paul, pero hindi niya itinanggi na matagal na pala niyang crush ang nasabing direktor. Sa katunayan, kung manliligaw raw si Paul kay Toni ay malaki ang pag-asang sagutin niya ito.



"Last year pa, na-meet ko pa lang siya siya sa shoot ng station ID ng ABS-CBN, crush ko na siya," pag-amin niya. "Who wouldn't like Direk Paul? He's a very good person, strong Christian, he's an ideal man. Everything that you are looking for a guy, nasa kanya.



"Ayoko kasing lagyan ng romantic involvement ‘yong kay Direk Paul. Hindi ako ‘yong klase ng babae na iisipin ko agad na may gusto sa akin ang isang lalake. Hindi ako assuming, I'm just steady. Right now, I'm not looking for a serious, steady relationship where I can really commit myself because I can't commit myself. Sa ngayon, I'm committed to my work."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN