Ciara feels bad about leaving her father during the election period


"I miss my Dad, sobra. I feel bad that Mom and I had to leave (in the middle of the campaign) because of my job offer. Every time I speak to him, I end up crying because I am not able to help him anymore with the campaign and I know he's so tired," says Ciara Sotto about her father, Tito Sotto.



Through Ciara Sotto's online journal, na laging ina-update ng young actress-singer, ay nakakakuha ng information ang PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa buhay niya sa Las Vegas, Nevada.



Sa pag-alis ni Ciara sa Pilipinas, dalawang isyu ang ikinakabit sa kanya. Una na rito ay ang tungkol sa diumano'y posibleng nagdadalang-tao siya, courtesy ng sinasabing non-showbiz boyfriend niya. Ikalawa naman ang intrigang hindi totoong may job offer si Ciara sa US, kundi umalis siya dahil tinanggal na siya sa noontime show na Eat Bulaga!.



So far, wala pang sinasagot si Ciara sa kanyang journal tungkol sa dalawang isyung ikinakabit sa pag-alis niya. Instead, halos puro tungkol sa kanyang dance and voice training ang mga naikukuwento niya.



Damang-dama rin ang kalungkutan ni Ciara sa pagkakalayo nila ng kanyang ina na si Helen Gamboa sa kanyang amang si Tito Sotto. Ito nga naman ang panahong nangangampanya ang kanyang ama bilang senador. Kandidato for senator si Tito sa ilalim ng TEAM Unity, at base sa pinaka-latest na partial unofficial count ay malayo siya sa Top 12.



Narito ang entry ni Ciara sa kanyang journal last May 2: "I miss my Dad, sobra. I feel bad that Mom and I had to leave (in the middle of the campaign) because of my job offer. Every time I speak to him, I end up crying because I am not able to help him anymore with the campaign and I know he's so tired. But we all trust God that he will be ok. Hindi naman Niya pababayaan si Daddy, e. He's always watching over us anyway. Moreover, HE IS IN CONTROL. He knows everything that will happen and He has a purpose for it. God is all-knowing and everpresent."

Sa tanong kung bakit nagawang iwanan ni Helen ang asawa sa gitna ng kampanya, maaaring ang naka-post sa journal ni Ciara noong May 11 ang kasagutan: "My mom is so nervous for my dad. She wants to be near him, but she says she has to stay with me. I am dying to go home and vote, but I just cannot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Obvious din sa journal ni Ciara kung gaano siya naging malapit sa dating kasamahan niya sa Eat Bulaga! na si Sugar Mercado. Kahit nasa Las Vegas siya ngayon, updated pa rin si Ciara sa nangyayari sa buhay ni Sugar.

"I can't sleep. It's almost 3 am here. Hay, buti na lang may Internet. I kinda feel bad I'm so far away to help Sugar out. I heard she's been staying in someone else's house because she couldn't pay for the rent of her apartment anymore. If I were home, I'm sure she'd be staying with me. Maybe God allowed this to happen so she could be more independent," sabi niya sa kanyang entry noong May 3.

Last May 7 ay nagdiwang ng birthday ang Mommy Helen ni Ciara. Na-mention ni Ciara sa kanyang journal na sa eve ng birthday ng mommy niya ay nanood sila ng concert ni Martin Nievera sa Steve Wyrick Theatre. Nang makita raw ni Martin sa audience ang Mommy niya ay naging very emotional ito at napaiyak sa stage.


Base sa mga entry ni Ciara sa kanyang journal, masasabing hindi pa siya nagsisimulang mag-perform sa theatre-restaurant kung saan siya nakatanggap ng job offer, along with other local artists. Kapansin-pansin din na maingat siyang huwag munang mag-mention ng pangalan ng naturang theatre-restaurant for fear na ma-preempt ang lahat.



Sa bawat entry ni Ciara sa kanyang journal, obvious ang ipinapakita niyang closeness sa Panginoon, na siya raw pinaka-source of strength at happiness niya. In fact, she was so happy daw na nakita na niya at napapakinggan ang station ni Delilah, a famous Christian DJ in the US.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN