Yilmaz Bektas no show at NAIA!


According to an unconfirmed report, Yilmaz Bektas, the Turkish husband of Ruffa Gutierrez, was supposed to arrive in the Philippines yesterday, May 15. TV crew from ABS-CBN and GMA-7 waited in vain for him at Ninoy Aquino International Airport, but even the shadow of Yilmaz did not show up.



Nabigo ang iba't ibang TV crews na nagpunta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, May 15, para abangan ang pagdating ng mister ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas sa Pilipinas. Mahigit limang oras ang ipinaghintay doon ng crew ng iba't ibang TV networks, pero walang dumating na Yilmaz sa arrival area ng NAIA.



Before five in the afternoon ay nakatutok na ang kamera ng The Buzz ng ABS-CBN at 24 Oras ng GMA-7 sa mga pasaherong lumalabas sa Gate 3 ng arrival area. But after more than an hour, wala pa rin si Yilmaz.

May nag-feed kasi ng information sa dalawang TV shows na darating si Yilmaz from Dubai, sakay ng Emirates Flight EK 332 at ang estimated time of arrival (ETA) is at 5:02 p.m.



May isa pang flight that day ang Emirates, ang EK334 with an ETA of 10:02 p.m., kaya matiyaga pa ring naghintay ang crew ng The Buzz at 24 Oras doon. At 7 p.m., may kumalat na information na darating si Yilmaz ng 8:30 p.m. from Hong Kong kaya lalong umigting ang pagnanasa ng mga TV crew na mag-stay sa airport.

During this time, nadagdagan ng iba pang TV crews from different shows ng ABS-CBN and GMA-7. Sa pagsulpot ng mga TV cameras sa arrival area, nagkagulo at na-excite ang Pinoy staff ng airport at ilan sa kanila ay matiyaga na ring naghintay.



Pagdating ng 10 p.m. ay alerto na ang iba't ibang TV crew na nakaantabay sa Gate 3 ng arrival area. Sad to say, tulad din ng unang flight, walang lumabas na Yilmaz Bektas. Although one hour before ng ETA ng flight EK334, nakatanggap na kami ng advise na hindi darating si Yilmaz.



Prior to this, napag-alaman namin na wala talaga ang pangalan ni Yilmaz sa manifesto ng dalawang flights.



Kumalat ang bulung-bulungan na darating sa Pilipinas si Yilmaz noong Sunday, May 13, pa lang. Tatlong araw na ang nakalipas, pero walang Yilmaz na dumarating. Maging ang kampo ng misis ni Yilmaz na si Ruffa Gutierrez ay litung-lito rin at walang maisagot kung bakit hindi dumating ang Turkish husband ng dating Miss World 2nd Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, may report kaming natanggap na muling nagpadala ng email si Yilmaz bilang sagot sa mga pahayag ni Ruffa at sa ina nitong si Annabelle Rama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN