Karel Marquez says Jeremy Marquez is boyfriend-material


Karel Marquez kept silent when asked if the reason why she and Jeremy Marquez did not end up with each other is because Jeremy was courting another girl while he was courting Karel.



Babae kaya ang rason kung bakit hindi natuloy ang relasyon bilang magkasintahan nina Jeremy Marquez at Karel Marquez?

Nagtakip ng tenga niya si Karel nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung may iba pa bang nililigawan si Jeremy bukod sa kanya kaya hindi sila nagkatuluyan.

Kahit hindi sumagot si Karel, sa naging reaksiyon niya sa tanong namin ay parang kinumpirma nga niya ang balita.

Nong panahong naging malapit sa isa't isa sina Karel at Jeremy, handa na sanang sagutin ng dalaga ang binata. Isa raw sa magandang qualities na nakita niya sa panganay na anak ni Joey Marquez ay ang pagiging mabait nito. Pero sa kabila nito ay hindi nauwi sa relasyon ang kanilang pagiging close.

Inamin ni Karel na inisip niyang boyfriend-material si Jeremy, pero hindi na umabot pa sa pagkakasagot sana niya sa binata. Sa ngayon ay magkaibigan na lang ang turingan nila sa isa't isa.

Nagkakilala sina Jeremy at Karel last year sa fireworks display sa Mall of Asia. Kasama raw ni Karel noon si Ehra Madrigal na kaibigan din ni Jeremy. Mula noon ay napadalas na ang paglabas-labas nila, pero hindi rin natuloy sa pagiging magkasintahan ang anumang namagitan sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN