Karen delos Reyes denies giving birth


"Paano at bakit ako manganganak? Sino raw ang tatay?... Hindi ako nabuntis, atlalong hindi ako nanganak. Virgin pa ako, no!" says Karen delos Reyes about the rumor that she already gave birth.


Almost one-and-a-half years nawala sa sirkulasyon ang young actress na si Karen delos Reyes. Halos walang nabalitaan tungkol sa kanya sa loob ng mga panahong ito, kaya kung anu-anong speculations ang umusbong tungkol sa kanyang so-called hibernation.

Isa sa mga lumutang na issue about her disappearance ay nanganak diumano siya.

"Hello, ano ‘yan? Paano at bakit ako manganganak? Sino raw ang tatay? Kakaloka, huh! Gusto ninyo, ipakita ko pa sa inyo ang chorva ko? Kayo na ang magsabi kung nanganak nga ako o hindi. Hindi ako nabuntis, at lalong hindi ako nanganak. Virgin pa ako, no!" tumitiling reaksiyon ni Karen nang nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Pati Ba Pintig ng Puso? kagabi, May 15.

Ayon kay Karen, ni wala nga raw siyang boyfriend ngayon. Break na raw sila ng dati niyang kasintahan na isang club disc jockey.

"Mahirap, e," sabi niya. "That time, busy ako. May Darna ako, may kung anu-anong guestings. Then siya, busy rin siya, kung saan-saang bars ang trabaho niya. Kaya pareho kaming nahihirapan.

"Hirap kaming magkita, walang quality time together. Kasi nga that time, pareho kaming super-busy. E, kung ganun na hindi na kayo nagkikita, ano pang silbi na may relasyon kayo? Kaya nag-decide na lang kami na mag-break na lang."

Hindi kaya na-depress lang siya kaya nawala siya sa showbiz for quite some time?

"Hindi," tugon niya. "Kasi kaya ako nawala, nag-aral ako. I took up Photography sa St. Benilde. Dumating kasi ‘yong time na medyo walang projects. Kung may mga offers man na dumarating, hindi ko naman type. So kesa naman nakatengga ako, kesa naman nakatunganga ako at walang ginagawa, e, di gamitin ko na ‘yong oras ko in a productive way. Kaya ayun, nag-take nga ako ng course in photography," pahayag ni Karen.

Usually raw, ang subject or concept ng kanyang mga pictorials ay mga emotions or personalities ng isang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May ginawa akong photo shoot ni Alex [Alessandra de Rossi]. Ano siya, ‘Slash' ang tawag doon, kasi dalawang photos ‘yon in one frame. Sa isang side, ipinapakita doon kung ano ba si Alex bilang isang normal na tao, kung ano ang hitsura niya kapag nasa bahay lang siya. Iyong isa naman, naka-pose siya na naka-gown na may hawak na best actress trophy," paglalarawan niya.

Mahal siguro ang ibinayad niya kay Alex para sa nabanggit na pictorial?

"Helo, wala, ‘no! Libre, kaibigan ko siya, e," sabi ni Karen.

Sa Pati Ba Pintig Ng Puso? ay ginagampanan ni Karen ang papel ni Zosima, ang katulong na kaibigan ni Yasmien Kurdi. Paano siya napapayag na tanggapin ang naturang papel?

"Challenging. At iyong character ko, mula simula hanggang matapos, nandoon. O, di ba, bongga!" sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN