Chynna Ortaleza plays her most challenging role to date


"It's really a great role for me kasi never pa akong gumanap na ganito.Mahirap in the sense na kailangan tama ang mga emotions na lalabas. Maymga scenes kasi na tahimik lang ako, pero lumuluha ako. May scenes namagiging hysterical ako na at the same time, umiiyak ako," says Chynna Ortaleza about her role in Pati Ba Pintig ng Puso?.



For the first time ay nabigyan ng very challenging role ang young actress na si Chynna Ortaleza sa bagong Sine Novela ng GMA-7, ang Pati Ba Pintig ng Puso?. Ginagampanan niya ang papel ni Mabelle, na unang ginampanan ni Jobelle Salvador sa movie version nito noong 1985.

Ngunit sa halip na bunsong kapatid ni Aldrin (played by Gabby Concepcion sa movie version at ngayon ay si JC de Vera sa TV version), naging panganay na kapatid na si Mabel sa remake nito. Just the same ay mababaliw si Mabelle dahil sa pakikialam ng kanilang lolo na si Don Griego (originally portrayed by Eddie Garcia and will now be played by Eddie Gutierrez) sa kanilang mga personal na buhay.



Sa mga naunang tapings nga raw ni Chynna ay mabibigat na eksena kaagad ang ibinigay sa kanya ng kanilang direktor na si Gil Tejada. Ayon kay Chynna, pinapanood muna sa kanila ang pelikula para makuha nila ang essence ng characters na gagampanan nila.



"The role of Mabelle kasi is just short sa movie," sabi ni Chynna. "Hindi masyadong na-explore kung anong klaseng kapatid siya kay Aldrin at anong klaseng best friend siya kay Jena [played by Sharon in the movie at si Yasmien Kurdi sa TV version]. Kaya nilawakan nila ‘yong role ko.



"Mas may istorya na si Mabelle kasi may background na kung paano nawala sa katinuan si Mabelle. Magkakaroon din ng background ‘yong love story nila ni Bien [originally played by the late Joel Alano at si Marco Alcaraz ang gaganap sa TV version], na isang fisherman. Lalawak ang story nila hanggang sa magiging tragic lahat.



"It's really a great role for me kasi never pa akong gumanap na ganito. Mahirap in the sense na kailangan tama ang mga emotions na lalabas. May mga scenes kasi na tahimik lang ako, pero lumuluha ako. May scenes na magiging hysterical ako na at the same time, umiiyak ako. Kaya pagud-paguran ako dito, but I'm very thankful na ibinigay ng GMA-7 sa akin ang role na ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa personal life naman ni Chynna, apat na taon na ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Railey Valeroso. Nanghihinayang nga si Chynna dahil kung makikita raw si Railey ngayon, malaki na ang ipinagbago nito physically. Iyon nga lang, mas priority nito ang pag-aaral kesa sa showbiz career niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN