Sunshine Dizon hospitalized for five days


Sunshine Cruz slipped in her bathroom and fell while washing her feet. The young actress was brought to the hospital after sustaining injuries in her buttocks and waist.



Kinumpirma ng ina ni Sunshine Dizon na si Dorothy Laforteza ang nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na ilang araw na-confine sa Chinese General Hospital ang kanyang anak dahil sa isang freak accident noong May 10. Five days nag-stay sa hospital ang young actress at noong May 15 lang siya lumabas.



Si Mommy Dotty na rin ang nagkuwento sa PEP sa nangyari sa anak. Sinasabon daw ni Sunshine ang mga paa nang madulas ito sa loob ng bathroom. Dahil sa kanyang pagkakadulas ay nabugbog ang puwet at balakang ng young actress.

Sa lakas ng impact, nasira ang parang transparent wall ng shower cubicle sa loob ng bathroom ni Sunshine. Nakita nga ng PEP ang bathroom ng young actress na kaka-renovate lang at talaga namang maganda at parang sa hotel ang shower cubicle nito.



Nagsisigaw daw si Sunshine, pero dahil naka-cast ang left foot ni Dorothy dahil na-fracture nang minsang magpunta sa farm nila sa Antipolo, hindi niya natulungan ang anak kaya ang mga kasama na lang nila sa bahay ang tumulong sa young actress.



Agad isinugod sa Chinese General Hospital si Sunshine. Malaki ang pasasalamat ng young actress pati ang ina nito dahil sa resulta ng MRI (Magnetic Resonance Imaging) ay walang nabaling buto at hindi rin naapektuhan ang ulo at spinal cord ni Sunshine. Ganun pa man, ilang araw ring na-confine ang young actress to be sure na okay na ito sa kanyang pagtse-check-out.



Back to work agad si Sunshine pagkalabas niya dahil kanina, May 16, ay nagpunta na siya sa Bergman para magpa-hair extension. Sa Friday, May 18, kasi ay magsisimula na siyang mag-taping para sa bago niyang soap opera sa GMA-7, ang Impostora. Hindi puwedeng i-reschedule ang kanyang taping dahil eere na ang naturang teledrama nila ni Iza Calzado sa June 4, kapalit ng Super Twins.



Hindi na rin ipinaalam ni Sunshine sa staff ng Impostora ang nangyari sa kanya. Nalaman na lang nila ito nang makalabas na siya ng hospital. Ayaw raw kasi ng young actress na mamroblema pa ang ibang cast dahil naka-schedule na silang mag-taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangyari na rin ito sa Bakekang. Ilang days na lang before the taping ay nagkasakit at naospital si Sunshine, pero gumaling din at nakapag-taping on schedule.



Samantala, isang nanay na naman pala ang role ni Sunshine sa Impostora. Ang child star na si Ella Guevara ang gaganap na anak ng 23-year-old aktres na si Sunshine. Hindi pa lang alam ng PEP kung sino ang gaganap na ama ni Ella, pero batay sa istorya, si Mark Anthony Fernandez ang love interest dito ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN