Regine Velasquez remains silent about rumored wedding to Ogie Alcasid


Although Regine Velasquez is now promoting a movie with Piolo Pascual, it is her rumored relationship with Ogie Alcasid that keeps on surfacing. "Nahihiya talaga ako kay Piolo at sa Star Cinema. Nalilihis kasi ‘yong promo slant ng pelikula namin kapag pinapasukan na ng mga issues about sa amin ni Ogie," says Regine.



Walang epekto kay Regine Velasquez ang mga naglalabasang balita na nagpapagawa na raw siya ng wedding gown sa U.S.-based Filipina designer na si Monique Lhuillier para diumano sa kasal nila ng rumored boyfriend niyang si Ogie Alcasid. Bukod dito, balita ring ipinagpapagawa na siya ng bahay ni Ogie para maging tahanan nila matapos ang kasal ngayong October.

Hindi man lamang nakitaan ng pagkainis o yamot ang Asia's Songbird sa sunud-sunod na pangungulit sa kanya ng press kagabi, May 16, sa launching ng soundtrack album ng pelikula niya with Piolo Pascual, ang Paano Kita Iibigin?. Ang nasabing pelikula, na gawa ng Star Cinema at Viva Films, ang unang tambalan nina Regine at Piolo sa big screen.

Ayon kay Regine, sanay na siya sa mga naglalabasang balita tungkol sa kanila ni Ogie at hindi na ito bago sa kanya. Pinagtatakhan lang daw niya kung saan nanggagaling ang mga bali-balita samantalang abala siya sa pagtatapos ng pelikula nila ni Piolo at sa soundtrack nito.

"Naka-focus ang atensiyon ko ngayon sa movie namin at sa album. Anumang bagay na may kinalaman sa kahit na ano, wala akong time. Gusto kasi naming mapaganda itong movie at ‘yong album dahil first time naming magti-team-up ni Piolo at first time ko to produce and collaborate an album with him para sa soundtrack," paliwanag ni Regine.

Nahihiya raw si Regine sa pagsingit ng issue tungkol sa kanila ni Ogie ngayong promo period ng pelikula nila ni Piolo. Sa halip kasi na tambalan nila ang mapag-usapan, napupunta sa mga sitsit tungkol sa kanila ni Ogie ang mga interviews sa kanya.

"Nahihiya talaga ako kay Piolo at sa Star Cinema," sabi ni Regine. "Nalilihis kasi ‘yong promo slant ng pelikula namin kapag pinapasukan na ng mga issues about sa amin ni Ogie. And first time ko with Star Cinema, so nahihiya rin ako sa kanila dahil they treated me so well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman sa kinakailangan naming papaniwalain ni Piolo na meron kami dahil hindi naman maniniwala ang mga tao. Ang gusto lang namin, i-promote ‘yong team-up namin, ‘yong magandang pagkakagawa ng movie namin. Kaya nga pag may mga issues na iba, nalilihis."

Muling nilinaw ni Regine na wala siyang alam sa kung anuman ang ia-announce ni Ogie ngayong June. Hintayin na lang daw ang paglabas ng interview ni Ogie sa isang magazine gaya rin ng paghihintay niya.

Nangako naman si Regine na magbibigay rin siya ng statement matapos ang announcement na ito ni Ogie. Pero depende raw ‘yon sa kung ano ang magiging laman ng announcement ni Ogie. Kung may kinalaman daw sa kanya ang announcement, magbibigay si Regine ng kanyang reaksiyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN