JC de Vera feels honored to reprise the role of Gabby Concepcion


JC de Vera (right) has a big shoes to fill as he reprises the role originally portrayed by former matinee idol Gabby Concepcion in Pati Ba Pintig ng Puso?. "Siyempre, flattered and honored ako," says JC about playing Gabby's role.



Medyo namamaos ang young actor na si JC de Vera nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng bagong Sine Novela ng GMA-7, ang Pati Ba Pintig ng Puso?, sa executive lounge ng GMA Network Center last May 15. Nagkasakit daw kasi sila ni Chynna Ortaleza pagkatapos nilang mag-taping sa National Center for Mental Health a day before the press con.

Sa Pati Ba Pintig ng Puso? ay ginagampanan ni JC ang role na unang ginampanan ng dating matinee idol na si Gabby Concepcion sa pelikula. Ano ang naging feeling niya nang siya ang napiling gumanap sa naturang role?

"Siyempre, flattered and honored ako," sabi niya. "Ang guwapo kasi ni Gabby Concepcion. Pero naroon din ang takot dahil baka mag-expect sa akin ang mga televiewers, lalo na ang mga fans ni Gabby. Very thankful din ako sa GMA-7 sa pagtitiwala nila sa akin.

"Hindi [ako] pinapanood ni Direk Gil Tejada ng DVD ng movie dahil baka raw ako magkaroon ng similarity sa acting ni Gabby. Kaya nagdi-depend na lang ako sa sarili kong acting at sa suporta ni Direk Gil. Medyo kabado nga ako sa first taping day ko kasi mabigat na agad ang eksena."

Kumusta naman ang leading lady niya na si Yasmien Kurdi, na gaganap naman sa role dati ni Sharon Cuneta?

"Nasa getting-to-know each other [stage] pa lang kami ni Yasmien ngayon dahil wala pa naman kaming mabigat na eksenang nakukunan. Dalawang beses pa lang kaming nagkasama kahit five days na kaming nagte-taping. Una kaming nagkasama ni Yasmien sa Click at Joyride, pero hindi kami ang magka-love team. Si Rainier [Castillo] ang ka-love team niya noon.

"Mabait po si Yasmien. Ang napansin ko sa kanya sa taping, parang may sarili siyang mundo, minsan palakad-lakad siya. Ako naman, tahimik lang kapag hindi ako ang nasa eksena. Pero nagri-reach out naman ako sa kanya kapag magkaeksena na kami," kuwento ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, may kumalat na balita na nanligaw siya kay LJ Reyes na dalawang beses na niyang nakatambal sa afternoon soap opera ng GMA-7. Totoo ba ito?

"Hindi totoo ‘yon," pagtanggi niya. " Mahirap pong manligaw dahil sila pa ni Alfred [Vargas] noon."

Ibig bang sabihin, kung wala si Alfred ay liligawan niya talaga si LJ?

"Bakit hindi?" sagot niya. "She's charming, masayahin, matakaw. Kapag kasama ko siya sa taping, hindi na ako nagdadala ng pagkain dahil lagi siyang maraming dalang sitsirya. Kahit dessert, lagi siyang may dala.

"Pero sa ngayon, naka-focus muna ako sa trabaho ko. Masakit sa ulo kapag may lovelife, may iba kang inisiip bukod sa trabaho mo. Ang inspirasyon ko ngayon talaga, ang trabaho ko."

Sa Monday, May 21, na magsisimula ang Pati Ba Pintig Ng Puso? sa GMA-7 pagkatapos ng Sinasamba Kita. Kasama rin si JC sa horror movie na Tiyanak ng Regal Entertainment, kung saan kasama niya sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, at Rica Peralejo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN