Chynna Ortaleza's fashion accessories business getting bigger


Even at her young age, Chynna Ortaleza has already ventured into business. She sells fashion accessories and most of her clients are also from show business.



Napansin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang suot na pendant ni Chynna Ortaleza sa press con ng Pati Ba Pintig ng Puso? last May 15. Stellar Frost Heart ang itinawag niya sa pendant na gawa niya mismo at kasama sa ibinebentang products ng Stellar by Chynna, ang fashion accessories business na kanyang pagmamay-ari. Kaya raw ganoon ang napili niyang ipangalan sa business niya ay dahil she caters mostly to showbiz clients.



Itinayo ni Chynna ang kanyang fashion accessories business with a capital of P40,000. Ngayon, after only a few months, more or less ay P150,000 na ang worth nito.



"Iba ito sa ginagawa ni Jolina [Magdangal] dahil mas sa fashionista ang appeal ng accessories ko. Customers ko sina Iza Calzado, Maui Taylor, Cristine Reyes, at LJ Reyes. Sabi nila, kesa bumili pa sila sa iba, sa akin na lang. 'Pag may nakikita sila sa mga magazine na kanilang nagugustuhan, ipinapagawa nila sa akin.



"I also sell sa Multiply at may nag-o-order sa Internet. My clients ako from New Jersey, New York, at Australia. Hindi nawawala na every month, may nadadagdag na one client sa list. Okay pala mag-business sa Internet.



"I'm also looking for consignment in leading boutiques at makakaya ko naman siguro ang demand. Dati, ako lang ang gumagawa at nang medyo lumaki, tinuruan ko si Mommy. Nang lumaki uli, tinuruan ko ang three helpers namin at may dalawa akong tini-train ngayon. Sa bahay lang namin ginagawa ang lahat at nagko-contribute ako sa electricity. Ang wish ko sa Stellar by Chynna ay lumaki pa. Kailangan ang name ko para may dating sa tao," mahaba niyang pahayag.



Hindi akalain ni Chynna na papasukin niya ang ganitong business. Akala nga niya nooong una ay kailangan pa niyang mag-aral ng designing. Eventually raw ay mag-e-enroll siya ng designing sa Fashion Institute of the Philippines. Pangangatawanan na raw niya ito dahil bukod sa kumikita siya ay nag-e-enjoy pa siya sa ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sa Monday, May 21, na ang premiere ng Pati Ba Pintig ng Puso?. Pinag-react ng PEP si Chynna sa comment na supporting na lang siya ngayon ni Yasmien Kurdi.



"Panoorin ninyo muna ang gagawin ko bago kayo mag-judge," aniya. "Hopefully, makita ninyo ang effort ko, na makita ng tao na nag-mature na ako as a performer. As Mabelle, wala akong masyadong lines at nagre-react ako using my eyes and facial expression. Excited ako sa role ko lalo na nang mabasa ko ang script."



Ikinuwento rin ni Chynna na dapat ang role ni Agatha, na ginampanan ni Dina Bonnevie sa movie version, ang ibibigay sa kanya. Pero nang malamam niya ang conflict sa role ni Mabelle, na unang ginampanan ni Jobelle Salvador, mas pinili niya ito at hindi siya nagsisi. Si Karel Marquez ang nakakuha ng role na Agatha.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN