John Prats denies courting Shaina Magdayao


Rumor has it that John Prats is courting Shaina Magdayao and they were even seen watching a movie together. But the young actor, who has a girlfriend now, was quick to deny this.



Star-studded ang naganap na celebrity premiere night ng Shrek 3 sa Cinema 7 ng bagong bukas na Trinoma Mall kagabi, May 17. In full force ang mga stars ng Sunday musical variety show ng ABS-CBN na ASAP '07, na siyang nag-sponsor ng affair.

Kasama sa mga dumating ang young actor na si John Prats, na siyang naatasang mag-interview ng iba pang celebrities na nanood ng Shrek 3 para sa segment niya sa ASAP '07. Nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nilinaw ni John ang isyung kumakalat sa kanila ng co-host niya sa ASAP '07 at kasama sa Ultimate Dance 4 (UD4) na si Shaina Magdayao.

Nagsimula ang usap-usapan kina John at Shaina nang may makakita sa kanila na magkasama diumano na nanood ng sine. Kasama pa raw nila noon ang best friend ni Shaina na si Bea Alonzo with her boyfriend na si Mico Palanca.

"Hindi totoo ‘yon. Walang ganung nangyari. Never pa kaming nagkasama na nanood ng sine ni Shaina," diin ni John.

Ayon kay John, madalas lang daw silang magkasama ni Shaina dahil na rin sa mall tour nila para sa UD4, kung saan kasama rin nila si Maja Salvador at ang totoong nanliligaw kay Shaina na si Rayver Cruz.

"E, kasi naman, bata pa si Shaina kilala ko na siya. Madalas din kaming magkasama sa mga shows ng ABS-CBN noon. Tapos every week, nasa ASAP kami. Mas nadalas lang ‘yong pagkikita namin kasi may ipinu-promote kami na album," paliwanag ni John.



Imposible rin daw na maging sila ni Shaina dahil may girlfriend si John ngayon, si Miakka Lim.



"Kami pa rin. Magwa-one year na kami. In fact, going strong lalo ang relasyon namin ngayon," sabi ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN