Wilson Tieng explains cancellation of Solar shows on RPN-9


"Ganun talaga sa negosyo, when you see na mas malulugi ka kapagpinagpatuloy mo pa, you make an immediate move para naman masmakapag-focus ka sa ibang puwedeng pasukang business," says Solar Entertainment's Wilson Tieng about the cancellation of their shows on RPN-9.



Sa celebrity screening ng Shrek 3 na ginanap sa Gateway Mall sa Cubao, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mr. Wilson Tieng, ang presidente at nagpapatakbo ng Solar Entertainment, isa sa mga aktibong media companies sa bansa.

Agad na tinanong ng PEP si Mr. Tieng kung totoo ang balitang P20 million a month ang nalulugi sa pagpu-produce nila ng shows sa RPN-9. Ito raw ang dahilan kaya tatanggalin na sa ere ang mga programa nila sa naturang TV network.

"It's even more than that," paglilinaw niya. "Ganun talaga sa negosyo, when you see na mas malulugi ka kapag pinagpatuloy mo pa, you make an immediate move para naman mas makapag-focus ka sa ibang puwedeng pasukang business."

Ang mga shows na tatanggalin nila sa RPN-9 ay ang Showbiz Ka!, Kemis: Ke Misis Umaasa, Sabi ni Nanay, Dalawang Tisoy, at ang Philippines' Next Top Model. Ngayon ay puro re-runs na lang daw ang kanilang ipinapalabas para tapusin ang kontrata nila with RPN-9.

Ang showbiz-oriented talk show na Showbiz Ka! ay isang thirty-minute kuwentuhan hosted by Pat Planas-Daza. Marami ring mga intriga ang pinasabog ng nasabing show, pero tila hindi ‘yon sapat para ipagpatuloy pa ito ng Solar.

May career na sana uli si Bayani Agbayani na siyang lead sa Kemis, kasama sina Pauleen Luna, James Blanco, Cherry Lou, at ibang mga komedyante. Sina Eddie Gutierrez at Freddie Webb naman ang bida sa Dalawang Tisoy, habang nagre-reyna ang kagandahan ni Ruffa Gutierrez sa Philippines' Next Top Model.

Maraming ibinahagi si Mr. Tieng na medyo nakakagulat. Pero klaro ang pagkakasabi niya na isa sa mga dahilan kung bakit pinatanggal niya ang mga shows niya sa RPN-9 at puro re-runs na lang sila ay dahil may mga managers daw siyang hindi tumupad sa dapat nilang ginagawa. Partikular na binanggit niya ang Showbiz Ka!.

"Nagulat na lang ako na iniba nila ang konsepto ko ng show. That's not what we have thought of doing. I gave them the free hand to experiment on what we already have, pero ‘yong mga ideas pa rin nila ang ginawa nila. As the company's head, wala akong ibang choice but to call it off," sabi ng big boss ng Solar Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nawalan daw ng saysay ang bagong equipment na binili niya, partikular na ang mga kamera na may reportorial team pa palang nag-iikot to gather the freshest showbiz updates, dahil hindi naman nagagamit ang mga nakukuha nitong materials. Kasama rin dapat sa konsepto niya ang pag-utilize ng mga foreign materials nila gaya ng Hollywood movies, ‘yong mga sports items, at iba pang nakikita sa cable channels na pag-aari nila, like Solar Sports, ETC, at iba pa.

"Wala namang commercial load ‘yong mga shows, e, bakit hindi nila i-maximize ang mga ‘yon [materials] gayong they are all ours? Look at Showbiz Central [of GMA-7], ganun na ganun ang idea namin before with all those stuff na meron na kami. Mabuti na ‘yong itinigil na namin bago pa lalong malugi ang kumpanya," paliwanag pa ni Mr. Tieng.

About Ruffa's Philippines' Next Top Model, ililipat daw niya ito sa cable channel and he hopes na si Ruffa pa rin ang mag-host nito.

"We will have to negotiate again dahil maganda naman ang feedback namin sa show," sabi ni Mr. Tieng.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN