PBB evictee Mommy Gie shares her life story


"Hindi ako magpapaka-plastik, gusto ko talagang manalo. Wala pa kasi kaming bahay. Gusto ko ring manalo dahil sa cash prize," says Pinoy Big Brother evictee Geraldine "Mommy Gie" Javier.



Walang hinanakit ang recent Pinoy Big Brother (PBB) evictee na si Geraldine "Mommy Gie" Javier sa kanyang housemates kahit wala isa man sa kanila ang bumoto sa kanya para manatili sa loob ng Bahay ni Kuya. Hindi raw kasi nagustuhan ng mga naiwang housemates niya ang pagiging "bossing" niya sa loob ng Bahay ni Kuya.



"Hindi naman po ako nag-feeling boss doon. Kung naging ganun po ang feeling ko, hindi na sana dapat ako gumalaw sa loob. Hindi ko rin naman dini-demand sa kanila na gawin nila ‘yon. Ang sa akin lang, gusto ko silang matuto lalo na pinapanood kami ng mga tao sa TV," pahayag ni Mommy Gie sa press con na ibinigay ng ABS-CBN para sa kanila ng isa pang PBB evictee na si Dionne Monsanto kahapon, May 17.



Ayon kay Mommy Gie, ang dalawa niyang anak—five-year-old daughter and 13-year-old son—ang nag-udyok sa kanya para mag-audition sa PBB last year.

"They pushed me," sabi niya. "They made biro on me. Sabi nila, mag-audition daw ako. Sabi ko naman sa kanila, nahihiya ako. Pero later, nag-audition na rin ako kasi I'm thinking of their future.

"Hindi ako magpapaka-plastik, gusto ko talagang manalo. Wala pa kasi kaming bahay. Gusto ko ring manalo dahil sa cash prize. Kailangan ko kasi ng capital para makapagnegosyo ako. Tapos ‘yong kikitain ko doon, e, makapagtayo kami ng bahay. Para makapamuhay kami nang solo ng mga anak ko. Ayoko na rin kasing mag-asawa," paliwanag niya.



Ikinagulat ng entertainment press ang kuwento ng buhay ni Mommy Gie dahil puwedeng-puwede raw ito sa Maalaala Mo Kaya.



Ang ama ng panganay na anak ni Mommy Gie ay isang Filipino-Chinese. During their relationship ay nabuntis si Mommy Gie at doon lang niya nalaman na isa palang married man ang Filipino-Chinese kaya walang kasalang naganap. Sa kabila nito, hindi naman pinabayaan ng ama ng kanyang panganay ang kanyang responsibilidad sa kanilang anak hanggang ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Noong 1998, nakikilala naman niya ang ama ng kanyang bunso na isang balikbayan from California. Tumagal ang relasyon nila for one year, pero hindi sila nag-live-in.

Noong 1999, nagpunta sa Japan si Mommy Gie. May talent kasi sa pagkanta si Mommy Gie at anim na beses siyang nagpabalik-balik sa Japan. That time, five-and-a-half na ang panganay niya at karelasyon na niya ang ama ng kanyang bunso.



"Year 2000, nagpakasal ako sa kanya. Ikinasal kaming dalawa sa likod ng FEU [Far Eastern University]. Sabi nila, fake daw ‘yon pero naka-register kami sa [National] Census, e.



"After the wedding, hindi pa kami nagsama kasi two days after, nagpunta ako sa Japan. Sa Japan ko na lang nalaman na buntis ako sa second child ko. Pagbalik ko dito, nabalitaan ko may babae siya [mister niya]," kuwento ni Mommy Gie.



Humingi raw ng tawad kay Mommy Gie ang kanyang mister at pinatawad naman niya. Hanggang sa bumalik siya sa Japan at ibinilin sa kanyang mister ang dalawang anak. Sinabi pa niya sa kanyang mister na kahit hindi na ito magtrabaho, basta alagaan lang nito ang kanyang dalawang anak.



Pagbalik ni Mommy Gie ng Pilipinas, wala na ang kotse, alahas, at pera na ipinagkatiwala niya sa kanyang mister. May bago na ring kinasama ang kanyang asawa. Nalaman din ni Mommy Gie na gumagamit pa ito ng bawal na gamot.



"I'm [sic] really decided to leave him talaga, pero pinipigilan niya kami. Ilang beses kong in-attempt na itakas ang mga anak ko, pero pinapa-padlock niya ang kuwarto namin pati na ng buong bahay kaya hindi kami makatakas.



"Until finally, tumakas na kami. Eto ‘yong time na sinaktan na niya ako. Pinagta-taga niya ako sa buong katawan. He's under drugs that time. Mabuti na lang mapurol ‘yong bolo kaya di ako napuruhan. Pero naka-file pa rin hanggang ngayon ‘yong kaso na isinampa ko sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sad to say, nakipagbalikan pa rin si Mommy Gie sa mister niya. Pero sinakyan na lang daw niya hanggang sa makakuha talaga siya ng paraan na tuluyan nang iwan ang kanyang mister.



"Pumunta kami noon sa Isabela," aniya. "Nakainom siya that time. Biglang tinutukan niya ako ng dalawang baril, isang .45 at .38 caliber na baril. Hindi ko alam may dala siyang baril. Tinulungan lang ako ng mga kamag-anak ko kaya nakaligtas ako."



Nakulong ang kanyang mister, pero nakalaya rin dahil nakapagpiyansa. Ang masakit, pera rin ni Mommy Gie na nakuha sa kanya ng mister niya ang ginamit na pampiyansa para pansamantalang makalaya.



"Nakuha niya lahat ng pera ko. That time, nangupahan kami ng mga anak ko sa Cabanatuan. Nagkaroon ako ng trauma sa ginawa niya sa akin. Nagkukulong lang ako sa loob ng kuwarto, ayokong makakita ng tao. There were times na pumupunta ako sa ilalim ng mesa," salaysay niya.



Ngayon daw ay fully recovered na siya. Malaki raw ang naitulong ng pagnenegosyo niya ng kalabasa sa Clover Leaf Market para malimutan ang lahat ng masasama niyang karanasan. Natuto ulit siyang makihalubilo sa mga tao sa palengke. After ng kanyang PBB experience, mas dumami raw ang nakakakilala sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN