Regine Tolentino throws a surprise birthday bash for her mother


"I really want to do this [birthday party] for her because she never hada big celebration before. I want this to be a memorable one. Somethingthat she will never forget as long as she's here with us," says Regine Tolentino about her mother, Regina Maristela.



Naging very emotional ang ina ni Regine Tolentino na si Regina Maristela dahil sa surprise birthday party na inihanda ng anak para sa kanya kagabi, May 17, sa Grand Terrace sa Commonwealth Avenue, Quezon City.



Mommy Gina turned 52 at alam naman halos ng lahat na she is suffering from bone cancer. Pero para sa isang cancer-stricken patient ay mukhang masigla at malusog si Mommy Gina. Sinabi nga nito na dahil sa steroids kaya siya matabang tingnan.



"I need to maintain a [certain] weight because of the medicine I'm taking," sabi ni Mommy Gina. "But I lost 20 pounds noong magkasakit ako. I used to weigh 180 pounds and now I'm 160. Kailangan kong i-maintain ‘yan para mas effective ang mga gamot sa akin. I'm taking like 20 medicines nang sabay-sabay."



Nakakatuwang makita na kumpleto ang pamilya ni Mommy Gina para sa 52nd birthday niya. Umuwi mula sa U.S. ang kanyang asawa at ibang mga anak. Pati na ang ibang kamag-anak nila ay dumating din kaya tuwang-tuwa si Mommy Gina sa bigay na ito ni Regine.



"I didn't know about this kasi nga tuwing birthday ko, I don't really have a big celebration. We used to just eat out or go abroad. Kaya I'm so touched. Kaya pala si Regine, panay ang raket noong election dahil nag-iipon pala siya for this. I'm happy that she really gave this time, even if I know how busy her schedule is," masayang pahayag ni Mommy Gina.



Miss na miss nga raw ni Mommy Gina ang sumayaw dahil iyon daw ang kanyang hilig noong wala pa siyang sakit. Nami-miss din daw niya ang maglagay ng makeup dahil aminado siyang hindi siya nakakalabas ng bahay nang walang makeup.



"I love wearing makeup at pinilit ko lang si Regine na maglagay ako ng eyeliner," tawa niya. "Gusto ko namang magmukhang maganda sa mga bisita ko. And how I wish I could dance na, pero hindi na nga ako puwedeng mag-high heels. Kaya to satisfy my craving to dance, nanonood na lang ako ng mga dance shows sa TV."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sinabi naman ni Regine na kung puwede lang daw ay makasama niya every minute of the day ang kanyang inang may sakit. Pero hindi raw ito madaling gawin dahil kinakailangan niyang magtrabaho.



"Mahirap noong umpisa because it was a shock to all of us," sabi ni Regine. "I cried so many times dahil dito, but I knew that I have to be strong for my Mom. Si Mommy nga, I never saw her took pity on herself. She's such a trouper pa rin. She likes to laugh a lot and that's good. It's also a good thing that my husband Lander [Vera-Perez] is there to really support my Mom. He's been a blessing to us all.



"Kapag may raket ako sa malayo, I want to go home kaagad and see how she is doing. Kahit super late na ako makauwi, I still try to make silip sa kuwarto niya to make sure that she's okay. I really want to do this [birthday party] for her because she never had a big celebration before. I want this to be a memorable one. Something that she will never forget as long as she's here with us."



Mas na-appreciate nga ni Regine ngayon ang kanyang ina unlike noon na nagpakarebelde siya. Alam niyang she has to make use of every day na lumalaban sa sakit ang kanyang ina.



"As a mother myself, I know how hard it is to leave your children. Hindi natin alam what would really happen tomorrow or the next day. I just want things to be memorable for everybody," sabi ni Regine, who has two daughters—Reigne and Reigen.



Ibinalita rin ni Regine na after ng chemotheraphy ng Mommy niya, susunod naman na pagdaraanan nito ay ang ang radiation therapy para mapatay ang natitirang cancer cells sa katawan nito. Forty-five days ang nakalaan para sa therapy na ito at haharapin daw ito ni Mommy Gina nang buong tapang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May mensahe rin si Mommy Gina para sa iba pang may cancer, lalo na raw sa action star na si Rudy Fernandez.



"Para sa mga katulad kong nakikipaglaban sa sakit na cancer, kaya natin ito. As long as we have the love and support of our family and the love of the Lord, we can survive this. Huwag tayong makakalimot sa Panginoon parati and thank Him for each day na buhay pa tayo," sabi ni Mommy Gina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN