Jolina Magdangal reshoots some of her scenes in "Ouija"


GMA Films has to reshoot some of the scenes of the horror film Ouija because of technical problems. One of these scenes is Jolina Magdangal's (in photo) evil spirit possession.



Kailangang tanggalin ni Jolina Magdangal ang ipinalagay niyang hair extension dahil magre-reshoot sila ng ilang eksena para sa Ouija, ang horror movie nila ni Judy Ann Santos para sa GMA Films.



Apat na malalaking eksena ang nakatakda nilang i-reshoot dahil nagkaroon daw ng problema sa technical side ng produksiyon. Ang nakarating na balita kay Jolens ay may mga eksena raw na madilim lumabas sa screen, may isa naman daw na malabo lumabas, at may iba na wala raw audio.



Isa raw sa ire-reshoot na eksena ni Jolens ay ang eksenang na-possess na siya ng masamang espiritu dahil marami raw hindi lumabas sa nasabing eksena.



"Nagulat din ako kung bakit ganun lumabas ang ilang scenes. Lalo na raw doon sa eksenang mapo-possess ako, hindi raw nakuha ang buong eksena. Tapos nawala raw ang audio. Kaya no choice talaga kundi mag-reshoot. Ewan ko lang kung may mga eksena rin si Juday na mare-reshoot.



"Tsaka mabuti na rin ‘yon para mas mapaganda pa nila ‘yong movie. First big movie namin ito ni Juday kaya kailangan ma-impress ang marami sa project na ito. Okay lang ako for the reshoot kasi mahirap nang makakuha ng double ko, di ba?" sabi ni Jolina.



May June playdate na ang Ouija na mula sa direksyon ni Toppel Lee. Kasama nina Jolina at Judy Ann dito sina Iza Calzado, Desiree del Valle, at Rhian Ramos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN