Jinggoy and Lorna start shooting for their MMFF movie


Good friends Senator Jinggoy Estrada and Lorna Tolentino are paired for the first time via the movie Katas ng Saudi, which is intended as an entry to the 2007 Metro Manila Film Festival.



Maagang pinaghahandaan ni Senator Jinggoy Estrada ang comedy flick na gusto niyang isali sa 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Katas ng Saudi, na ipu-produce ng film outfit niyang Maverick Films.

Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang first shooting day ng nasabing pelikula sa Sct. Fuentebella St., Quezon City, kahapon. Naabutan naming nagti-take na si Jinggoy at ang kanyang leading lady na si Lorna Tolentino.

Maya-maya pa, pagsigaw ng ‘Cut!' ni Direk Joey Reyes, bumaba mula sa set si Jinggoy na naiiyak. Nadala raw kasi siya sa eksena kung saan after maubos ang pera niyang naipon sa 11 years na pagtatrabaho sa Saudi ay kailangan na naman niyang iwanan ang kanyang pamilya para muling bumalik sa Saudi.

Bakit biglaan yata ang shooting ng pelikula nila?

"Na-miss ko na ang showbiz," sagot ni Jinggoy. "Since matagal na itong na-conceptualize, itinuloy na namin. Tamang-tama naman na tapos na ang kampanya sa eleksiyon at naka-recess ang Senado, kaya ito na ang right time para kami mag-shooting.

"We hope to finish the movie bago mag-open ang susunod na session sa July 1. Alam ko namang mabilis magtrabaho si Direk Joey at wala naman sigurong masyadong conflict sa schedules ng mga artista namin dito.

"May special session lang kami sa Senado sa June 4, 5, and 6 kaya wala kaming shooting ng mga araw na 'yon. Ayokong mag-absent sa session dahil ako lang yata ang senador na walang absent this year," sabi ni Jinggoy.

Nai-submit na raw nila ang synopsis at script ng Katas ng Saudi sa Selection Committee ng MMFF. They are hoping na mapili itong entry nila dahil maganda raw ang movie at cast. First movie team-up ito nina Jinggoy at ng kumare niyang si Lorna kahit matagal na silang magkasama sa industriya.

Kuwento ni Lorna, "Nagpatulong nga si Sen. Jinggoy sa akin kung sino ang kukunin niyang katambal na gaganap na wife niya. Marami akong nai-suggest, pero hindi naman available. Kahit nga si Ruffa Gutierrez ay nai-suggest ko sa kanya na, di ba, mas maganda? Biro mo, beauty queen tapos isang OFW ang napangasawa? Makakadagdag ito ng comedy sa movie. Kaya lang, hindi tinanggap ni Tita Annabelle [Rama, Ruffa's mom and manager] dahil tiyak daw na hindi papayagan ni Yilmaz Bektas si Ruffa na magtagal dito. In-offer ito noong hindi pa nangyayari ang separation nina Ruffa at Yilmaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nang wala kaming makuha, may nagsabi raw sa kanya [Jinggoy] na bakit lumalayo pa siya sa paghahanap, samantalang bagay na bagay daw sa akin ang role. Kaya ang ending, ito ang first time namin na magkakatambal ni Sen. Jinggoy sa isang pelikula. Wala namang problema sa akin dahil wala naman akong show maliban sa Startalk at ang pag-aasikaso ko kay Rudy [Fernandez]," kuwento ni LT.

Ang iba pang bubuo ng cast ay sina Eugene Domingo, Bayani Agbayani, Liza Lorena, at Dick Israel. Ang gaganap na tatlong anak nina Jinggoy at Lorna ay sina Shaina Magdayao, Arron Villaflor, at si Julian, ang second to the youngest son of Sen. Jinggoy and wife Precy Ejercito. Ka-loveteam pa rin dito ni Shaina ang suitor niyang si Rayver Cruz.

May special participation din sa Katas ng Saudi sina Sharon Cuneta at Ricky Davao. Ang paglabas dito ng Megastar ang patunay na hindi sila apektado sa intrigang idinulot ng katatapos lang na eleksiyon.

Hindi muna kami pinayagang isulat ang synopsis ng movie, pero tiyak daw na tatawa kayo sa mga eksenang ipinasok dito ni Direk Joey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN