Lucy on Richard's defeat: "There's really nothing to feel bad about."


"Si Goma naman, he's a very principled man at alam ko na he has alreadyaccepted what has happened. One thing good about Goma is he's asportsman and he knows how to take things as a man," says Lucy Torres-Gomez about her husband's, Richard Gomez, defeat in the senatorial race.



Buong-pusong tinanggap ni Lucy Torres-Gomez ang hindi pagpasok ng kanyang mister na si Richard Gomez sa senatorial race ngayong eleksiyon. Ayon kay Lucy, wala naman daw silang magagawa kung iyon ang hatol ng nakararami. Para sa kanila, ginawa raw nila ang nararapat para sa isang malinis at honest na pangangampanya.



"There's really nothing to feel bad about," sabi ni Lucy. "Because from the start naman, we were just hoping and not expecting anything big to happen. Ang gusto lang naman namin is to present what Goma's intentions were and they were very good intentions.



"Si Goma naman, he's a very principled man at alam ko na he has already accepted what has happened. One thing good about Goma is he's a sportsman and he knows how to take things as a man. Kaya sa nangyari, it was all part of being a sportsman na rin. Sa isang labanan naman, may nananalo at may natatalo."



Marami ang nakasaksi sa matinding suporta na ibinigay ni Lucy sa kanyang asawa during the campaign period.



"As a wife, I am always obliged to support my husband kahit na ano pa ang pasukan niya. Kung nasaan ang mister ko, nandoon din ako dapat. As his wife, siguro naman nakita nila kung gaano ko nabigyan ng suporta ang mister ko. It's not an easy thing to do, but it was an experience for me. First time ko kasing nagawa ito and it really opened my eyes sa maraming bagay sa mundo.



"This experience alone, isang eye-opener sa amin ni Goma. Na there are so many people out there who need help and guidance sa everyday living nila. We just wish na ‘yong mga mahahalal na mga senador will do what they promised sa maraming sumuporta sa kanila. Keep their promises para walang madismaya, di ba?" sabi ng misis ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumalo sina Lucy at Goma sa surprise birthday party para sa ina ni Regine Tolentino na si Regina Maristela kagabi, May 17, sa Grand Terrace restaurant sa may Commonwealth, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN