Camille Prats breaks up with boyfriend because of Richard Gutierrez


"Mutual ang break-up namin after two years. Last December pa kaminag-break at five months na ‘yon. Dahil ‘yon sa kissing scene namin niRichard Gutierrez sa Captain Barbell," says Camille Prats about breaking up with her non-showbiz boyfriend.



Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Super Twins sa Marcelo Compound sa may Sta. Ana, Manila, last May 17. Nakausap namin ang isa sa mga bida rito na si Camille Prats.

Nagpauna na si Camille na hindi siya sasagot ng tanong tungkol sa ibang tao. Nahulaan agad nito na tatanungin namin siya sa nabalitang relasyon ng kapatid niyang si John Prats kay Shaina Magdayao.



Kung anu-ano ang alibi niya para hindi makapag-comment. Kesyo hindi sila nagkikita ng kapatid kahit sa iisang bahay sila umuuwi dahil magkaiba ang kanilang schedule. Pero napilitan ding magsalita si Camille nang i-point out sa kanya na sinisira ng kapatid ang loveteam nina Shaina at Rayver Cruz.



Aniya, "May girlfriend ang kuya ko, sila pa rin ni Miakka Lim, kaya malabong maging sila ni Shaina. Nali-link siguro siya kay Shaina dahil lagi silang magkasama. After ASAP, may mall show sila to promote their dance album at doon sila naging close.



"Matagal ko nang kilala si Shaina, sa Ang TV pa. Bata pa siya, she is my baby. Close lang talaga sila ni Kuya," paliwanag ni Camille.



Ibig sabihin, hindi siya naniniwala na puwedeng magkarelasyon si Shaina at ang kuya niya?



"Hindi ako papayag na may girlfriend siya [John] tapos manliligaw pa sa iba," sabi ni Camille. "Sa nakikita ko, mahal ni Kuya si Miakka. Naging close na ang mga pamilya namin. We hang out at minsan, nagbi-beach pa ang families namin."



Kinumusta rin namin ang lovelife ni Camille at nagulat kami sa nalamang break na pala sila ng kanyang non-showbiz boyfriend. Akala ng PEP ay going strong sila dahil walang naririnig ang entertainment press sa kanila.



"Mutual ang break-up namin after two years. Last December pa kami nag-break at five months na ‘yon. Dahil ‘yon sa kissing scene namin ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell. Sobrang conservative ang family niya at siya na rin. Naiintindihan ko ‘yon. Para wala nang gulo, ako na ang nakipag-break kahit ayaw niya," wika ni Camille.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nabanggit din ng young actress na pinili niyang hindi taga-showbiz ang maging boyfriend niya para tahimik ang kanyang lovelife. Pero pagkatapos magwakas ang huli niyang relasyon, naisip niyang may disadvantage din ang karelasyon na hindi taga-showbiz dahil hindi naiintindihan ang trabaho niya. Fine example nga ang kissing scene nila ni Richard na pinagselosan nito.



In-assure ni Camille sa PEP na hindi siya malungkot kahit five months na siyang walang boyfriend at walang mapag-usapan na lovelife.



"Okay lang ako at di totoong malungkot ang mag-isa. Friends pa rin namin kami dahil family friend ko siya. I always tell the truth at mas maganda ang nagsasabi ng totoo," sabi ni Camille.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN