Dennis Padilla denies rumor that he and Marjorie Barretto have separated


"That's part ng campaign ng kalaban para siraan si Marjorie. But sad tosay, hindi 'yon nagtagumpay. Hindi sila pinaniwalaan ng taong-bayan.Politically motivated 'yong isyu na 'yan," says Dennis Padilla about a rumor that he has separated from Marjorie Barretto.



Magkakahawak-kamay na lumabas ng Cinema 7 ng bagong bukas na Trinoma Mall sa North EDSA si Dennis Padilla at ang tatlong anak na babae nila ng misis niyang si Marjorie Barretto pagkatapos ng celebrity premiere screening ng Shrek 3 last May 17. Hindi kasama ni Dennis at ng mga bata si Marjorie kaya tinanong agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dennis kung nasaan si Marjorie.



"Nandun siya sa canvassing. Hanggang ngayon nagbibilangan pa rin sila kasi may mga presinto pa ang hindi nabibilang ang mga boto kaya nakatutok siya doon," pahayag ni Dennis.



Naglalaro raw sa pang-apat hanggang pang-anim na posisyon ang misis ni Dennis na tumatakbong councilor sa 2nd district ng Caloocan City. Very positive naman si Dennis na mananalo ang kanyang misis sa kauna-unahang pagtakbo nito for public office.



Kasunod nito ang paglilinaw ni Dennis sa usap-usapan na tuluyan na silang naghiwalay ni Marjorie. Bago kasi mag-election ay may mga tsismis na nagli-link kay Marjorie sa kanyang kapartido at incumbent Caloocan City mayor Recom Echiverri.



"Hindi totoo 'yon," mariin niyang sabi. "That's part ng campaign ng kalaban para siraan si Marjorie. But sad to say, hindi 'yon nagtagumpay. Hindi sila pinaniwalaan ng taong-bayan. Politically motivated 'yong isyu na 'yan."



Pinabulaanan din ni Dennis ang tsismis na hindi na umuuwi si Marjorie sa kanilang bahay.



"Magkasama lang kami kanina bago ako pumunta dito. Sinamahan ko lang ang mga bata. Pagkatapos dito, magkikita kami ni Marjorie, sasamahan ko siya doon [sa canvassing]," sabi ng dating konsehal ng Caloocan City.



Mariing sinabi ni Dennis na sa iisang bahay pa rin sila nakatira ni Marjorie. Habang nililinaw nga ni Dennis ang isyu ng hiwalayan nila ni Marjorie, panay naman ang tango ng mga anak nila sa sinasabi ng kanilang ama. Meaning, inaayunan nila ang ama na hindi hiwalay ang kanilang mga magulang.



Samantala, tinanong namin si Dennis kung nagkita at nagkaayos na ba sila ng hipag niyang si Gretchen Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nagkita kami ni Gretchen noong sinundo ko 'yong mga bata. Mga two weeks ago. Nilabas niya 'yong mga bata. Ayos na kami," pagbabalita niya.



Tinanggap ba ni Gretchen ang apology niya? Nagkausap na ba sila nang masinsinan?



"Well, I guess," sagot niya. "Kasi nagbatian naman kami. She greeted me noong magkita kami. So I guess okay na."



Naikuwento rin ni Dennis na okay na okay na sina Gretchen at Marjorie. In fact, lumalabas-labas na raw ang magkapatid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN