Rhian Ramos: I'm not interested in Polo Ravales and PJ Valerio


"Polo is mabait, guwapo, nice, a funny guy. But I'm not interested, kahit kay PJ. I'm more interested in my work... No offense kina Polo at PJ, pero gusto ko darker guy," says Rhian Ramos about her rumored suitors, Polo Ravales (inset, above) and PJ Valerio.



Namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Rhian Ramos sa celebrity premiere ng Shrek 3 na ginawa sa Cinema 2 ng Gateway Mall sa Cubao, Quezon City, last May 17. Dahil nagmamadali siya, sunud-sunod ang tanong namin sa leading lady ni Richard Gutierrez sa Lupin.



Gusto raw siyang ligawan ni Polo Ravales at inalam pa raw nito kundi hindi nanliligaw sa kanya si Richard? Nanliligaw rin daw sa kanya si PJ Valerio, ang Fil-Am newcomer na unang na-link kay Iwa Moto at nagpahayag na crush niya si Lovi Poe? May picture rin daw sila sa Friendster account nito na nagsi-share ng drink using one straw?



"Wala akong alam diyan dahil wala silang sinasabing liligawan ako," panimulang pahayag ni Rhian. "With Polo, sa press launch pa lang ng Lupin, I was asked if magiging true-to-life ang panliligaw niya sa akin. I remember my answer at sabi ko, kapatid lang ang tingin ko sa kanya. Sa Super Noypi, I was supposed to play his younger sister, pero di ako natuloy at pinalitan ako ni Sandara [Park]. Mula noon, kuya na ang tingin ko sa kanya."



Tungkol naman kay PJ, sinabi ni Rhian na: "Wala akong alam na nag-share kami ng drink at isang straw lang ang gamit. Ang alam ko, nagpa-picture siya sa akin nang magkita kami sa Sir George parlor. Madalas kaming magkita doon at nagugulat nga ako dahil pag nandoon ako, bigla na lang siyang dumadating. Hindi rin kami nagdi-date."



Nagugulat si Rhian dahil madalas niyang nakikita at nakakausap sina Polo at PJ, pero walang sinasabi ang mga ito na liligawan siya. Nagtataka nga si Rhian na ang entertainment press pa ang unang nakaalam na may balak palang manligaw ang dalawang binata sa kanya. Kaya lang, bawal pa siyang ligawan dahil baka "patayin" daw siya ng Mom niya kung at 16 years old ay magbo-boyfriend na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Bawal pa akong ligawan at usapan namin ng Mom ko ‘yon. Ayoko rin paligaw muna kahit kanino. Polo is mabait, guwapo, nice, a funny guy. But I'm not interested, kahit kay PJ. I'm more interested in my work and after Lupin, may next project daw ako, pero matagal pa ‘yon. No offense kina Polo at PJ, pero gusto ko darker guy," sabi ng dalaga.

Matagal bago nabanggit ni Rhian ang name ni Dominic Roco na puwede niyang matipuhan dahil moreno raw ito. Natawa ito nang i-suggest namin ang name ni Richard Gomez, too old daw ang aktor para sa kanya.



"Alam ko na, si Richard Gutierrez pag tan siya!" biro niya.



End of interview at nagpaalam na ang magandang young actress. Pero malinaw ang gusto nitong tumbukin na basted sina Polo at PJ kung manliligaw ang mga ito sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN