The Gutierrezes give their all-out support for Ruffa


Ruffa Gutierrez gets so much support from her family—brother Richard and parents Eddie Gutierrez and Annabelle Rama—in her decision to separate from Yilmaz Bektas.



Maituturing na isa sa pinakamalaking pamilya sa showbiz ang mga Gutierrezes. Kaya naman sa kasalukuyang krisis na kinakaharap ngayon ng unica hija nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama na si Ruffa Gutierrez, hindi maiiwasan na maapektuhan ang buong pamilya.

Sa desisyon ni Ruffa na makipaghiwalay na sa kanyang Turkish husband na si Yilmaz Bektas, may kanya-kanyang mga opinyon at paraan ng pagsuporta ang mga kapamilya ni Ruffa.

Ayon sa kapatid ni Ruffa na si Richard Gutierrez, sa ganitong situwasyon, sama-sama raw nilang pinag-uusapan ang isyu at inilalabas ang kani-kanilang saloobin.

"In this case, lahat kami sinu-support naman namin si Ate. We text her and ask her how she is... You know, I'm happy to see na slowly she's recovering from the crisis. Nandiyan naman ang mga kaibigan niya, nandito kaming family niya. And we're all here to support her and give her love," sabi ni Richard sa taped interview sa kanya ng Startalk kaninang hapon, May 19.

Todo-suporta rin ang padre de pamilya na si Eddie Gutierrez sa kanyang panganay na anak kay Annabelle.

"Alam mo, ang magulang, ayaw nilang magkahiwalay ang kanilang anak sa asawa niya. Pero kung ‘yon ang desisyon niya [Ruffa], susuportahan ko siya. Kung anuman ang desisyon niya," pahayag ni Eddie.

Sa kabilang banda, tila hindi naman isinasara ng pamilya Gutierrez ang kanilang pintuan para kay Yilmaz. Sa katunayan, handang patawarin ni Eddie ang kanyang manugang kung ito'y hihingi ng tawad.

"Tulad ng sinabi ko sa kanya, kay Yilmaz, na ‘Bakit ganoon ang nangyari?' Pero I know he's sorry kasi mabait naman si Yilmaz, e. So if he says sorry, then I accept his apology," sabi ni Eddie.

Samantala, lubos naman ang kaligayahan ngayon ni Annabelle dahil sa muling pagpapa-convert ni Ruffa sa Christianity mula sa pagiging Muslim.

Aniya, "Haping-happy ako at least na-convert na si Ruffa. At least magkakasama na kaming magsimba na ngayon. Maski Christian or Catholic, pareho lang naman 'yon. Basta ang importante, nagdadasal siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagama't sinabi na mismo ni Ruffa na ayaw na niyang bumalik sa Istanbul, hindi pa rin mapalagay ang kanyang ina. Ayon kay Annabelle, "Super kaba kasi every day nag-uusap sila, kaya ako'y nagdadasal lang na sana ay matapos na."

At ang payo niya sa anak: "Ang sabi ko sa kanya, move on and huwag nang bumalik sa Istanbul."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN