Boy2Quizon wants to have a love scene with Katrina Halili in


Although Boy2 Quizon is not very vocal about it, someone close to him revealed that he has a crush on his Lupin co-star, Katrina Halili. It was also reported that Boy2 wants to have a love scene with Katrina.


May bagong nabiktima at nahalina ang alindog ni Katrina Halili. Ito ay walang iba kundi ang co-star niya sa Lupin na si Boy2 Quizon.

Tatahi-tahimik lang si Boy2 at halos hindi nagkukuwento kahit kanino tungkol sa kanyang nararamdaman. Pero napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang taong malapit kay Boy2 na matindi pala ang attraction nito kay Katrina.

As in matagal na palang pinapantasya ni Boy2 si Katrina. Kaya nang nalaman noon ni Boy2 na kinukuha siya for Lupin, agad nitong tinanggap ang offer.

Ayon sa kaibigan ni Boy2, ngayong matagal nang nagba-bonding ang comedian at si Katrina sa tapings nila for Lupin, lalo raw na-develop ang crush ni Boy2 kay Katrina into a major pagpapantasya. Reason enough para hilingin ni Boy2 na magkaroon sila ng love scene ni Katrina sa Lupin. Ito raw ang madalas i-emote ng apo ni Dolphy kay Direk Mike Tuviera, ang direktor ng Lupin—ang magkaroon ng love scene with Katrina.

Sa ngayon ay hindi pa nabibigyan ng katuparan ang kahilingin ni Boy2. Pero umaasa ang binata na maka-love scene si Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN