Joel Lamangan and Ihman Esturco react to Julio Diaz's allegations


Former actor Julio Diaz, best known for his role Sakay, made some allegations about directors Joel Lamangan (in photo) and Ihman Esturco. Julio claims that Ihman stole from him while he is blaming Joel for not getting any projects lately.



Agad na tumawag sa PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ihman Esturco para ibigay ang kanyang reaksiyon hinggil sa alegasyon ni Julio Diaz na ninakawan niya raw ang aktor. Si Ihman ay matalik na kaibigan ni Julio, at ngayon nga ay isa na ring movie director (Troika), bukod sa pagiging talent-discoverer.

Sa taped interview kasi ni Julio, May 19, kahapon sa Startalk ng GMA 7, tinuran ng award-winning actor na ninakawan siya ng isang milyong piso ni Ihman. "Kaya nga nasapak ko siya sa isang insidente at sa harap ng maraming tao dahil doon," bahagi pa ng rebelasyon ni Julio.

Nagpakita pa ng mga bank statement ang aktor para daw patunayang hindi siya nagsisinungaling. Sinabi rin niyang ito ang dahilan kaya marahil nakuwestiyon ang kanyang pagkakalalaki.

"Siyempre, alam ng mga tao kung gaano kami ka-close [ni Ihman] tapos may ganung insidente. Kaya inakala nila na we're lovers," sabi pa ni Julio, na kilala dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang Sakay.

Ayon naman kay Ihman, "I have but still respect to Julio. Hindi ko na sasagutin 'yong nakawan isyu dahil imposible ‘yon. Walang ganung pangyayari at alam ni Julio kung ano ang nasa likod ng ganung kuwento.

"Five or six years na kaming hindi nagkikita o nagkakausap. Nakakapagtaka lang na sa dami rin ng kakilala niya sa showbiz ay ngayon niya lang ito sinasabi. Pero gusto ko siyang intindihin. I still respect him as my friend. Let's just hope na maging positive na lang si Julio sa kanyang buhay," sabi niya.

Hindi na rin nagbigay pa ng komento si Ihman tungkol sa pag-amin ni Julio na during his heyday ay na-involve siya sa isang international prostitution ring. Feeling daw kasi ng aktor dati ay isa siyang Adonis kaya't pinagbibigyan niya ang mga "naa-attract" sa kanyang katawan.

"Nakakagulat pero kung bahagi pa rin ‘yon ng kanyang pagpapakatotoo, wish ko pa rin na positive ang idulot nito sa kanya," sabi ni Ihman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Ihman, pinatamaan din ni Julio ang award-winning director na si Joel Lamangan. Ayon kay Julio, kaya wala na raw siyang mga proyekto sa movies ngayon ay dahil sa impluwensiya ni Direk Joel, na kanyang minumura at inaaway.

Nakausap ng PEP sa telepono si Direk Joel upang hingan ng reaksiyon tungkol sa sinabing ito ni Julio. Pero ayon sa kanya, ayaw na niyang pahabain ang isyu tungkol kay Julio.

Sinabi pa nitong hindi na lang niya papatulan pa ang mga binitiwang pahayag ng aktor laban sa kanya. Pero pinabulaanan niyang minura siya nang harap-harapan ni Julio.

"Not in my face o nakaharap ako," ang makahulugan pang tinuran ni Direk Joel.

Tumawa na nga lang ang batikang direktor sa paratang sa kanya ni Julio na siya'y influential o powerful figure sa showbiz kaya raw walang nakukuhang assignments o projects ang gaya ni Julio, na isang batikang aktor na maituturing.

"Ganun?" ang simpleng naisagot nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN