Alma Concepcion denies she is pregnant


"I said this before na magbubuntis lang ulit ako kapag ikinasal na ako.Gusto ko naman kasi na maayos na ang lahat if ever I want a secondbaby. Mas maganda naman siguro ‘yon, di ba?" says Alma Concepcion about rumors of her pregnancy.



Marami ang nag-aakala na buntis ngayon ang former Bb. Pilipinas-International na si Alma Concepcion. Malaki raw kasi ang naidagdag sa timbang niya ngayon kaya akala ng iba ay ipinagbubuntis niya ang kanyang second baby.



Natawa lang si Alma at sinabing tumaba lang siya but she's not pregnant.



"I just gained weight kasi last month, nagbakasyon ako at wala akong ibang ginawa kundi kumain. Kaya tumaba talaga ako at akala nila ay buntis ako," paliwanag ni Alma.



Dagdag pa niya, "I said this before na magbubuntis lang ulit ako kapag ikinasal na ako. Gusto ko naman kasi na maayos na ang lahat if ever I want a second baby. Mas maganda naman siguro ‘yon, di ba?



"Very careful naman ako. I am in a relationship right now at mukhang maganda ang nagiging takbo namin. He was separated when I met him and now he's having his marriage annulled. Kaya step-by-step ang ginagawa namin kung gusto naming maging maayos talaga ang pagsasama namin."



Gusto na rin nga ni Alma na mabigyan ng kapatid ang kanyang panganay na si Cobie, 7 years old, pero kailangan daw ay maplantsa muna ang lahat ng dapat ayusin.



"My son is lucky kasi kahit na hindi kami nagkatuluyan ng father niya, nagkikita pa rin sila and he's accepted by his father's family. Gusto ko ay maayos lahat kapag nagbuntis ulit ako. That my new baby will have a father at puwedeng magamit ang family name niya," sabi ni Alma.



Samantala, may bagong pinasok na negosyo si Alma at ito ay ang pagpi-PR ng isang bagong bar and disco called Alchemy sa may Pasig City, na nag-grand opening last May 18. Located ito sa corner ng Julia Vargas St. at Frontera Verde next to Valle Verde 2 and 5.



Bukod dito ay part-owner si Alma ng Persiana Grill na matatagpuan naman along Santolan in Cubao, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN