Richard and Lucy back to their normal lives


Now that the election period is over, Richard Gomez and wife Lucy Torres-Gomez can now go back their normal life. The couple is planning to take a month-long vacation and hopefully have their second baby.



Back to normal na ang tahanan ng mga Gomez. Natapos na kasi ang araw-araw na gulo sa loob ng pamamahay ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez dulot ng nakaraang eleksiyon, kung saan tumakbo bilang senador si Goma. Unfortunately, hindi pinalad ang aktor na manalo.

Pero aminado si Lucy na nami-miss niya ang kaguluhan sa kanilang bahay ngayong tapos na ang eleksiyon.



"Sa totoo lang, nakaka-miss pala ang lahat ng ‘yon!" tawa ni Lucy. "Kasi nga, for the past three months, you are used to waking up and seeing lots of people sa loob ng bahay. Siyempre, they are the ones helping out Goma with his campaign and all.



"Ako naman, tumutulong ako with them. Nakikigulo rin ako mula umaga hanggang gabi. Ngayon ay tahimik na lahat, nami-miss ko silang lahat. Miss ko na ngayon ang ingay."



The couple will be taking a much-needed vacation. Mga two weeks daw silang mawawala sa bansa para makapagpahinga nang husto. Nagpasabi na rin si Goma na babalik na siya sa showbiz at pag-uusapan na raw nila ng kanyang manager na si Douglas Quijano kung anong show ang puwede niyang pasukan sa GMA-7.



Isa pang balak ng nina Goma at Lucy ay ang sundan ang kanilang panganay na anak na si Juliana. Halata na raw kasi ng mag-asawa kay Juliana na naghahanap na ito ng kapatid.



Ayon kay Lucy, "Well, it's one of the plans din because ang laki na ni Juliana and it's really about time na we give her a brother or a sister. Every now and then naman, we wish for it and we're just waiting.



"Ngayon at magbabakasyon kami, we are praying na sana nga I get pregnant na. Noong time kasi ng eleksiyon, parati kong iniiwan si Juliana sa bahay with our relatives kasi hindi naman siya puwedeng sumama at delikado. Maganda nga sana kung may kapatid siya para she wouldn't be lonely parati."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kung puwede nga raw sana ay kambal na ang isilang ni Lucy.



"How I wish na kambal na lang para isang labasan na lang! It would be a relief kasi dalawa kaagad ang magiging kapatid ni Juliana, di ba?" natatawang pagtatapos ni Lucy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN