Patrick Garcia takes a vacation in Alaska without Jennylyn Mercado


Because of her hectic schedule, Jennylyn Mercado was not able to join boyfriend Patrick Garcia in his trip abroad.



Hindi nakasama ni Patrick Garcia ang girlfriend na si Jennylyn Mercado papuntang Alaska, USA, para magbakasyon at magpahinga. Kasama ni Patrick ang kanyang American father at ang kanyang mga kapatid.

Pagkagaling sa Alaska, didiretso sina Patrick sa Vancouver para naman dalawin ang mga relatives nila doon. Nakatakda silang bumalik ng Pilipinas sa June 1.

Gustuhin man ni Jennylyn na sumama kay Patrick ay hindi puwede dahil sobrang busy ang young actress. Bukod sa taping niya ng magtatapos nang Super Twins ay dalawang pelikula pa ang sabay niyang ginagawa—ang Tiyanaks ng Regal Entertainment at ang "Angel Love" episode ng Angels.

May shooting si Jennylyn sa mismong birthday niya noong May 15 kaya sinorpresa na lang siya ni Patrick na dumalaw sa set nila. Dahil hindi nga nakapag-celebrate ng kanyang kaarawan si Jennylyn, plinano nila ni Patrick na magbakasyon sa Boracay. Kaya lang, naisip ni Jennylyn na tag-ulan na kaya useless din na pumunta sa Boracay.

"Hindi ko na rin mae-enjoy, tag-ulan na, e!" sabi ni Jennylyn sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang dalawin namin siya sa set ng Super Twins.

Samantala, nagpahayag si Jennylyn na totally ay wala na raw gusot at problema sa pagitan ni Patrick at ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras.

Nang hingan naman ng pagkukumpara between Mark at Patrick, sinabi ng young actress na hindi tamang pagkumparahin ang dalawang lalak. Magkaiba raw ang agwat ng edad nila ni Mark at nila ni Patrick. Kahit hindi raw nagtagal ang relasyon nila ni Mark, may mga natutunan din naman daw siya mula dito.

Naikuwento rin sa PEP ng young actress na katulad ng ibang normal na relasyon, nagkakaroon din sila ng tampuhan at hindi pagkakaunawan ni Patrick. Pero agad daw nilang pinag-uusapan kaya naaayos agad at hindi na lumalala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN