Vilma Santos wins, Christopher de Leon loses in Batangas


One of the country's favorite loveteams, Vilma Santos and Christopher de Leon both ran in the province of Batangas—Vilma for governor and Christopher for vice-governor. While Vilma won, Christopher lost.


Iprinoklama na ng Batangas provincial board of canvassers ang Star For All Seasons na si Vilma Santos bilang bagong governor ng nasabing lalawigan.

Ayon sa official tally ng Comelec, si Vilma ay nakakuha ng 475,740 votes habang ang pinakamalapit niyang kalaban na si incumbent Batangas governor Armand Sanchez ay nakakuha ng 344,969 votes. Malayo naman sa ikatlong puwesto si Nestor Senares na nakakuha lamang ng mahigit 34,000 votes.

Lumalabas na mahigit sa 100,000 votes ang lamang ni Vilma kay Sanchez.

Sa kabila ng pagproklama kay Vilma, patuloy pa ring kinukuwestiyon ng kampo ni Sanchez ang proclamation ng aktres. Sinabi ni Sanchez na gagawin niya ang lahat upang i-contest ang panalo ng dating mayor ng Lipa City.

Wala ang bagong halal na governor ng Batangas sa loob ng canvassing center nang iproklama siya ng board bilang winner. Kasalukuyang nasa Manila si Vilma ngunit sinabi ng kanyang mga lawyers at staff na isang malaking proclamation rally ang nakatakdang gawin bukas, May 21, sa Batangas.

Samantala, ang paboritong leading man ni Vilma na si Christopher de Leon ay hindi naman pinalad sa kanyang kandidatura bilang vice-governor ng Batangas. Ang running-mate ni Sanchez na si Mark Leviste ang nanalong vice-governor, ngunit hindi pa ito naipoproklama dahil sa protestang inihain ni Edwin Ermita, running-mate ni Vilma, dahil diumano sa vote-buying at iba pang election irregularities. Pumangatlo lamang si Boyet kina Leviste at Ermita.

Kaugnay pa rin ng halalan, natalo rin ang bayaw ni Vilma na si Ricky Recto sa kanyang kandidatura bilang congressman ng 4th district ng Batangas. Matatandaang nagkaroon ng gusot sa pagitan nina Vilma at Ricky nang kapwa sila nagpahayag ng kanilang intensiyon na tumakbo for governor ng Batangas. Sa huli ay nagkaayos din sila nang nagparaya si Ricky at nagdesisyong tumakbo na lamang for congressman.

Ang asawa naman ni Vilma na si Ralph Recto ay hindi pa rin tiyak ang kapalaran sa senatorial bid nito. Sa kasalukuyang partial and unofficial tally ng Namfrel ay nasa 14th place lang si Ralph. Sinasabing naging malaki ang epekto sa kandidatura ni Ralph ang pagsulong niya sa E-VAT Law na lalong nagpapahirap sa maraming Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago tumakbong governor ng Batangas si Vilma ay nakatatlong termino siya, o siyam na taon, bilang mayor ng Lipa City.

Additional report from gmanews.tv.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN