Ruffa Gutierrez leaves the country today with her daughters


"Kasi kailangan ko ng time to think, you know, to do a little bit ofsoul searching. Kasi mahirap gawin ‘yon dito sa Pilipinas na, you know,maraming tumatawag, maraming nakikialam, you're always in the papers.So I think it will be good for me to be away. Ibang surroundings naman.Sana pagbalik ko, fresh na ulit ako," says Ruffa Gutierrez about her trip abroad.



Pagkatapos ng live interview ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz kahapon, May 20, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dating Ms. World 2nd Princess sa kanyang dressing room.

Nakatakdang umalis ng bansa si Ruffa ngayong araw, May 21, pero ayaw niyang sabihin kung saan siya pupunta. But definitely, hindi raw sa Istanbul.



"Magmuni-muni ako, basta hindi sa Istanbul," sabi ni Ruffa. "Kasama ko ‘yong mga bata [Lorîn and Venice] at saka ‘yong mga yaya nila. Kasi kailangan ko ng time to think, you know, to do a little bit of soul searching. Kasi mahirap gawin ‘yon dito sa Pilipinas na, you know, maraming tumatawag, maraming nakikialam, you're always in the papers. So I think it will be good for me to be away. Ibang surroundings naman. Sana pagbalik ko, fresh na ulit ako."



Walang maibigay na assurance si Ruffa kung merong balikang magaganap sa kanila ng mister niyang si Yilmaz Bektas sa ibang bansa.



"I can't tell the future naman, ‘no! I mean, I don't even know if Yilmaz will follow or he will not follow. As of now, we have a good relationship talking about the kids, and hindi kami magkaaway," sabi ni Ruffa.

Ayon kay Ruffa ay nasa Phuket, Thailand, daw ngayon si Yilmaz, doing his own soul searching.



Mawawala si Ruffa sa Pilipinas for two weeks kaya pansamantala rin siyang mawawala sa The Buzz ng dalawang Linggo. Itinanggi ni Ruffa na hindi na siya babalik ng The Buzz. In fact, may usapan na raw sila ng executives ng showbiz talk show ng ABS-CBN na baka may ipagawa sa kanyang interviews sa mga artistang nasa abroad, partikular na sa U.S., habang nandoon si Ruffa.



Pinabulaanan din ni Ruffa ang balita na humingi siya ng tulong sa U.S. Embassy para bigyan ng proteksiyon ang dalawa niyang anak na sina Lorîn at Venice, na parehong ipinanganak sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nang tanungin naman si Ruffa tungkol sa kumakalat na tsismis na meron siyang pinakasalan sa Las Vegas bago pa man siya nakipag-isang dibdib kay Yilmaz, ito lang ang kanyang tugon: "I don't want to answer that question."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN