Pinky Amador: Single and happy at 40-plus


"Getting married is a choice and so is being single. Kung happy kanaman being single, there's no problem at all. Like me, single andhappy. Bakit ko pa gagawing kumplikado ang buhay ko, di ba?" says Pinky Amador.



Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ng aktres na si Pinky Amador ang lalaki na karapat-dapat para sa kanya. Aminado si Pinky na masyado siyang pihikan sa lalaki kaya mahirap sa kanya ang makapamili ng mapapangasawa.



Dagdag pa ni Pinky na 10 months na raw siyang walang karelasyon ngayon. Pero hindi naman naba-bother ang aktres dahil nakikipag-date naman daw siya parati.



"No commitment ako ngayon. ‘Yan ang drama ko!" tawa niya.

"Kailan ko nga lang na-realize na two months na lang ay isang taon na akong walang karelasyon. The last guy na nakarelasyon ko was a French guy. Hindi ko na alam kung nasaan na siya.



"It's weird because noon, kapag may nawalang guy, may kapalit kaagad. Maybe masyado na akong naging happy sa pakikipag-date na lang kaya hindi ko na napansin na wala pala akong serious relationship nang matagal na panahon."



Nasa early 40s na si Pinky, pero hindi raw siya nababahala na maiwanan ng biyahe. Kahit kailan naman daw kasi ay puwedeng magpakasal ang isang babae.



"Wala naman sa edad ‘yan, di ba? Year 2007 na tayo and women nowadays are getting married late na. Iyong iba nga, they don't get married at all at gusto na lang magka-baby.



"Mas nagiging obsessed na ngayon ang mga babae sa kanilang career and wala naman akong nakikitang masama doon. May choice na ngayon ang mga babae, unlike noon na kapag nag-reach ka ng age na 25 years old, e, parang old maid na ang tingin sa iyo. Hindi na ganyan ngayon.



"Getting married is a choice and so is being single. Kung happy ka naman being single, there's no problem at all. Like me, single and happy. Bakit ko pa gagawing kumplikado ang buhay ko, di ba?" paliwanag niya.



Inamin din ni Pinky na noong kabataan niya ay nakatanggap na siya ng apat na marriage proposals mula sa iba't ibang lalake. Lahat daw iyon ay tinanggihan niya dahil hindi pa raw siya handa that time to settle down.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"As if naman nabago ang desisyon ko, di ba?" tawa niya. "I got my first marriage proposal, batang-bata pa ako noon, I was like 19 or 20 years old. Ano ang alam ko sa pag-aasawa noon, di ba?



"But this guy was so makulit. I turned him down and I said na I wasn't ready. Then three more proposals came at wala ring nangyari. Like what I said, getting married is really a choice. You have to really think about it really hard. In my case, I think I made the right decision."



Kasama si Pinky sa Sine Novela ng GMA-7 na Pati Ba Pintig ng Puso?, kung saan ginagampanan niya ang papel ng ina ni Karel Marquez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN