Julio Diaz says he deserves the life he leads now


"Okay na rin sa akin 'yong maging support nalang ako, pero dreaming to be a bida again is impossible and it's a reality," says Julio Diaz.


Matagal-tagal na ring hindi nakikita sa pelikula attelebisyon ang aktor na si Julio Diaz. Marami tuloy ang nagtataka sa totoong dahilan ng biglaang pagkawala niyasa industriya.

Sinundan ng Startalk ang tipikal na araw para kayJulio ngayong wala na siya sa showbiz. Ang simpleng buhay niya ay nagsisimulasa pagko-commute mula sa kanyang bahay sa Bulacan patungo sa kanyang trabahosa Maynila. Ayon sa kanya, ang sourceof income niya ngayon ay ang pagiging empleyado ng isang networking firm atmula sa kanyang billboard.

BIGLAANG PAGKAWALA. Itinuturong isa sa mga dahilan ngpagkawala ng offers para kay Julio sa showbiz ay ang insidente sa pagitan niyaat ng batikang direktor na si Joel Lamangan.

Ayon sa kuwento ni Julio, "Walang artistang nagmumura sa kanya maliban lang ako. Well, Jaclyn Jose can attest to that. Harap-harapan kay Jacklyn Jose pinagmumurako si Joel Lamangan.

"‘O kita mo, nasaan ako ngayon?' Wala akong ginagawa because ang impluwensya ni Joel Lamangan aynapakalakas."

Gayunman, wala namang kahit kaunting pagsisisi ang aktor sapagiging maangas niya sa direktor.

Aniya, "Whenever I have done something, parang bang hindi naako magre-regret kasi it happened, e. Kumbaga, he deserved it and I deserved it kung anuman ang nangyari sabuhay ko ngayon. Pinaninindigan ko iyan. I mean, maski na magutom ako ngayon, fine! Madali lang ang buhay na iyan."

DRUG ADDICTION. Tulad ng ilang artista, aminado si Julio na nasangkot na rin siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot noong kasikatan niya.

"Thishappened on March 2, 1989, ang sabi ko rito, ‘Inamin ko ang pagsa-shabu.' Kasi wala naming big issue sa akin ito," sabi niya.

Dagdag pang paliwanag niya, "Pagsa-shabu is para bang,nagpunta ako sa isang bahay sa isang mayamang... Alam mo naman noong araw, diba? Biglang nakalatag diyan ang lahatng masasamang bisyo. It's either youdrink liquor or you go into drugs."

Sa kabila ng pag-amin, nilinaw naman ni Julio na hindi siyanalulong sa nasabing bisyo. Aniya, "Angpoint ko lang dito, ang pag-amin ko, is by occasion ako ay napapatikimniyan. Pero iyong sinasabi nila na I'mhooked into these vices, ang sabi ko, ‘I'm sorry di ko ginagawa ito, bumibiliako ng [shabu].'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GAY BENEFACTOR AT PROSTITUSYON. Hindi rin nakaligtas noon ang aktor sa mgausap-usapan na may gay benefactor siya. Isang bagay na para kay Julio ay hindi naman masama kung sakalingna-involve siya sa ganung sitwasyon.

"It's nice to have a friend na who wouldbe very supportive to you," pahayag ni Julio.

Ngunit tahasang sinagot ng aktor na: "You really want astraight answer? Ang sabi mo kanina na-involve ako sa isang gay relationship?No."

Gayunman, kung meron pa man diumanong sitwasyon nana-involve siya bukod sa drugs ito ay ang prostitusyon.

Depensa ng aktor, "Walang masama! I mean, that was a long time ago. I mean, during my heydays may nagbibigay sa akin, they want togive money sa katawan ko, ‘O, sige pagbigyan!' I felt isa akong Adonis!"

Bagama't hindi niya pinagsisisihan ang mga nangyari sa buhayniya, inamin naman ni Julio na nasasaktan siya sa kalagayan niya ngayon.

Nagdaramdam na sinabi ni Julio, "It hurts me kasi para bangin my heydays, they are the ones na talagang nagkandarapang kunin ako. Kahit nahindi na ako halos magkandaugaga, e, they keep on waiting on me.

"And now nagtataka ako bakit para bang, all of a sudden, ‘Hey, I'm no longer in need,' as if I'm invalid."

Sa kabuuan, tanggap na ni Julio ang sinapit ng kanyangshowbiz career. Hindi na rin siyalubusang umaasa na maibabalik pa sa dati ang kanyang kasikatan.

Para kay Julio: "Okay na rin sa akin 'yong maging support nalang ako, pero dreaming to be a bida again is impossible and it's a reality."

Ang ilan sa mga pelikulang nagawa ni Julio ay Sinner or Saint (1984), Paano Tatakasan ang Bukas (1988), Kailan Ka Magiging Akin (1990), Aliwan Paradise (1992), Bayani (1992), Sakay (1993), The Flor Contemplacion Story (1995), Segurista (1996), Sana Pag-ibig Na (1998), Hubad sa Ilalim ng Buwan (2000), Balahibong Pusa (2001), at Lapu-Lapu (2002).

Huli siyang napanood in a guest role sa primetime drama series na Forever In My Heart, starring Regine Velasquez, Richard Gomez, and Ariel Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN