Two "Pinoy Pop Superstar" grand finalists make it after a few tries


John Louis Abaigar (left) and Joyce Tañaña join seven others as grand finalists of Pinoy Pop Superstar Year 3. The Grand Showdown will be held on June 2 at the Araneta Coliseum.



Bagay na bagay ang motto na "If at first you don't succeed, try and try again" sa dalawang grand finalists ng Pinoy Pop Superstar (PPS) Year 3 na sina Joyce Tañaña ng Pampanga at John Louie Abaigar ng Olongapo City.



Pareho kasi silang hindi nagpatalo sa mga unang pagsubok nila para maipakita ang kanilang talento sa pag-awit. Pero dahil sa tiyaga ay pinalad silang makasama sa grand showdown ng PPS na magaganap on June 2 sa Araneta Coliseum.



Sa simula pa lang ng Pinoy Pop Superstar ay nag-audition na si Joyce. In fact, Search For A Star pa lang ang title ng televised singing contest na hinu-host ni Regine Velasquez ay sumali na si Joyce. Pero hindi siya pinalad na makaabot sa grand finals ng naturang contest na siyang pinanalunan ni Rachelle Ann Go.



"Noong magkaroon ng Pinoy Pop Superstar, nag-audition na ako pero hindi ako pinalad na makapasok. Mataba pa ako that time. Noong magkaroon ng season two, payat na ako at nakapasa ako. Two weeks lang akong naging defending champion. Ngayong season three, sinuwerte po ako noong magkaroon sila ng Callback Special. Doon po ako nanalo kaya nakasama ako as grand finalist," kuwento ni Joyce.



Si John Louie naman ay hindi rin pinalad sa una niyang pagsali sa Pinoy Pop Superstar. After siyang matalo, sinubukan niyang mag-audition StarStruck: The Next Level, pero umabot lang daw siya sa Top 80.



"Hindi po yata nila ako nagustuhan," natatawang sabi ni John Louie. "Kaya after akong ma-eliminate, nagkaroon ako ng callback sa Pinoy Pop Superstar. That's how I got back at nakaabot ako as a grand finalist. I think it was fate that brought me back to this contest."



Mass Communication major si Joyce sa Angeles University Foundation. Si John Louie naman ay Conservatory of Music student sa Centro Escolar University (CEU). Both of them exude so much confidence sa entablado dahil choir member pala si Joyce sa kanilang school while John Louie naman is a stage actor sa CEU.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Parehong musically-inclined ang kanilang mga pamilya kaya hindi kataka-takang pasukin nila ang mundo ng pag-awit.



Bukod kina Joyce at John Louie, ang iba pang grand finalists ng PPS Year 3 ay sina Marvin Gagarin ng Nueva Ecija, Jennie Escalada ng Navotas, Maricris Garcia ng Caloocan City, Miguel Naranjilla ng Malabon City, Bryan Termulo ng Bulacan, April delos Santos ng Pampanga, at ang World Challenger na si Jae mula sa San Francisco, California.



Ang mananalo ng titulong Pinoy Pop Superstar ay mag-uuwi ng P1 million cash, house and lot from Avida Land Corporation, one-year recording contract with GMA Records, one-year management contract with GMA Network, Informatics Scholarship, plus P50,000 worth of wardrobe from Pepsi Herrera and Edwin Tan.

Past winners of Pinoy Pop Superstar are Jonalyn Viray and Gerald Santos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN