Regine Velasquez and Piolo Pascual switch channels


While the Regine Velasquez-Piolo Pascual movie Paano Kita Iibigin is produced by ABS-CBN' s film arm, Star Cinema, in partnership with Viva Films, it will also be promoted on GMA-7, the rival channel of the Kapamilya Network.



Na-delay sina Regine Velasquez at Piolo Pascual sa press con ng pelikula nila sa Star Cinema, ang Paano Kita Iibigin, kaninang tanghali sa ABS-CBN compound. Inaayos na kasi ang magiging schedule of promotion nila sa mga shows ng GMA-7 and ABS-CBN—si Piolo sa Kapuso Network at si Regine sa Kapamilya Network.

Piolo is scheduled to appear in the following GMA-7 shows: Pinoy Pop Superstar Cebu episode na ipapalabas this Saturday, May 26; Walang Tulugan With The Master Showman also this Saturday; SIS; Mel & Joey, Startalk; and Showbiz Central. Malamang na magkasama sila ni Regine sa SIS and Mel & Joey episodes.

Maggi-guest naman si Regine sa mga sumusunod na programa ng ABS-CBN: Wowowee, Homeboy, Sharon, The Buzz, at MYX. Pagkatapos ng press con ng Paano Kita Iibigin kanina, dumiretso sina Regine at Piolo sa taping ng Homeboy episode nila, samantalang na-tape na rin nila ang kanilang Sharon episode na ipapalabas this Sunday, May 27.

While in the subject of cooperation between the two top networks in promoting the Star Cinema movie, naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa PR head ng Star Cinema na si Roxie Liquigan kung magkakaroon din ba ng ganitong promotion for the GMA Films movie naman nina Judy Ann Santos and Jolina Magdangal, ang Ouija.

"Siguro naman if Juday will request for it, hindi naman siya tatanggihan ng ABS," sagot ni Roxie sa amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN