Regine Velasquez: "Do not be afraid to fall in love."


"'Pag nagmamahal ka, hindi mo naman hinahanap ‘yon, e. I think dumarating lang ‘yon sa buhay mo, di ba? Ang masasabi ko lang sa kanya, siguro do not be afraid to fall in love," Regine Velasquez advises her Paano Kita Iibigin leading man, Piolo Pascual.



Bago ang press con proper ng pelikulang Paano Kita Iibigin kaninang tanghali, May 22, inikot muna nina Regine Velasquez at Piolo Pascual ang tables ng entertainment press para sa konting tsikahan.

Pinansin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang black dress na suot ni Regine na kitang-kita ang cleavage.

"Ipinakita ko na kasi nakahinga na ako nang maluwag," birong seryoso ni Regine, na ang tinutukoy ay ang pag-amin nila finally ni Ogie Alcasid tungkol sa kanilang relasyon.



Bago pa man inumpisahan ang open forum, pinauna na ng mga taga-Star Cinema at Viva Films sa entertainment press na ili-limit ang mga tanong tungkol sa pelikula.



Ayon kay Regine, nakapag-establish na raw sila ng friendship ni Piolo while doing the movie.



"I may not be there always but if you need me, I'll be there. I'm that kind of a friend. I'm really very happy in this film because I met a wonderful person," sabi ni Regine tungkol sa kanyang leading man.



Dahil ang istorya ng Paano Kita Iibigin ay tungkol sa second chance. Tinanong si Regine about taking second chances.



"Sa akin, personally, hindi ako naniniwala sa second chance," sabi ng Asia's Songbird. "Feeling ko, habang may buhay, meron kang chance to pursue your dreams or pursue the love of your life. Meron kang pagkakataon. Kumbaga, you are always given that chance. So hangga't buhay ka, dapat lagi mong tini-take ‘yong risk na ‘yon.

"Oo nga, merong parte sa katauhan mo na iisipin mo na baka masaktan ka ulit. Pero that's also part of growing up, di ba? Parang nabubuo rin ang pagkatao mo going through all these things. Going all the trials and feeling your self and moving on. So, hindi ako naniniwala sa second chance lang. Maraming chances. Kasi habang may buhay, may pagkakataon parati to make yourself better and to make yourself happy," paliwanag ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kahit na nga pinagsabihan na ang entertainment press na i-limit ang mga tanong tungkol sa movie, may mga hindi pa rin nakapagpigil na itanong ang tungkol sa lovelife ni Regine.



"Basahin na lang natin ang YES! [Magazine]," biro ni Regine, na ang tinutukoy ay ang number one entertainment magazine kung saan ipinagtapat ng Ogie ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Regine.

"I'm happy with my life now. And I'm... happy!" tawa ni Regine.

"Iyon lang talaga ang masasabi ko. Natutuwa lang ako dahil sa mga recent events in my life. I wasn't expecting it. I wasn't really expecting na magiging ganun siya, but I'm really happy. So, hayun."

Kung happy si Regine about her lovelife, ano naman ang maipapayo niya kay Piolo na hanggang ngayon ay wala pa ring nobya?

"Parang ina-assume n'yo talaga! Kung sabagay, sinabi ko na... Pero puwede naman kaming magka-affair!" tawa niya.

"Affair lang naman. You know, just for fun," pahabal niyang biro.

Does she mean fling?

"Hindi naman fling, may feelings din. ['Pag] Piolo Pascual, dapat lahat," sagot niya.

Tapos ay biglang naging seryoso si Regine: "'Pag nagmamahal ka, hindi mo naman hinahanap ‘yon, e. I think dumarating lang ‘yon sa buhay mo, di ba? Ang masasabi ko lang sa kanya, siguro do not be afraid to fall in love.



"Kasi ako rin before, I was like very closed. In the beginning, awkward. Pero ang sarap-sarap magmahal. Enjoy mo ‘yong may nag-aalaga sa ‘yo, inaalagaan ka. So, sana huwag niyang i-close ang doors niya doon. Dapat i-open niya ang sarili niya sa more possibilities.

"It's so nice to be in love. At ako raw ‘yung nagpapayo! I can't believe this!" natatawa niyang sabi.

Puwede naman dahil masaya siya ngayon.

"Oo, at saka may sex life!" halakhak niya.

Biglang napasubsob sa dibdib ni Piolo si Regine habang nakaupo sa presidential table during the press con. Mismong si Regine ay nabigla sa sinabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN