Judy Ann Santos to shoot three more movies this year


Judy Ann Santos will be one of the busiest actresses this year with three more movies in her lineup: one each for Regal Entertainment, Star Cinema, and OctoArts Films. She has just finished the horror flick Ouija with Jolina Magdangal for GMA Films.



This year, first time humarap ni Judy Ann Santos sa isang general press con for one of her endorsements—Tuseran, na magkakaroon ng big promo starting June 3. Ang press con ay naganap kagabi, May 22, sa ABS-CBN compound.

Namangha ang lahat sa kakaibang ganda at kapayatan ng young actress in her fetching green satin one-piece ensemble. "RTW lang ito," sabi ni Juday nang pansinin ang kanyang kasuotan.

Nothing much to discuss pa about the endorsement kung kaya't kung saan-saan nagpunta ang tanungan—her recent vacation with boyfriend Ryan Agoncillo sa Tubbataha, her planned reach-out program among the Aetas, her birthday gift—trip to Jerusalem—to her Mommy Carol Santos, and even about the anniversary special na ibibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Alfie Lorenzo, ang manedyer ni Judy Ann, kung gaano ka-busy ngayon ang young superstar. Umarangkada naman si Tito Alfie na very busy nga ang alaga niya. Dalawang pelikula pa raw ang nakatakdang gawin ni Judy Ann this year—ang one-picture contract deal niya with Regal Entertainment at ang planned sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo na Sakal, Sakali, Saklolo from Star Cinema. Ito ay kasunod ng katatapos pa lang na Ouija, na pinagtatambalan nila ni Jolina Magdangal for GMA Films.

Mauunang gagawin ni Juday ang Regal movie.

"Actually, may meeting ako kay Mother Lily Monteverde ngayong 8 p.m.," sabi ni Tito Alfie sa amin. "Tatanungin ko kung magagamit niya ang [May] 29 at 30. Kasi kung hindi, ibibigay ko muna sa commercial shoot."

Sa May 29 pala ang tentative first shooting day ng pelikula nina Juday at Ryan for the Regal film to be directed by Joel Lamangan.

"Ang tentative working title, Through The Years, pero baka Tagalugin pa nila ito," pagbabalita ni Tito Alfie.

Balita rin ni Ka Alfie, ipapasok nga ng Star Cinema ang Sakal, Sakali, Saklolo sa 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF), na nag-deadline ng submission of possible entries last week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalaman namin na may nai-submit din pala ang OctoArts Films na isang entry for MMFF that would also star Juday.

"Di kung hindi isama ng Star Cinema ang pelikula nila ni Ryan, may entry pa rin si Juday," sabi ni Alfie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN