Dawn Zulueta is now a congressman's wife


"I surely won't be lured into anything I feel is not my place. I don't want to, and I don't have plans to go into politics. I think having my husband in it is enough. The best that I can do is be his supportive wife," answers Dawn Zulueta when asked about the possibility of entering politics.



Masayang ibinalita ng aktres na si Dawn Zulueta sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nanalo bilang congressman sa Davao del Norte ang mister niyang si Anton Lagdameo nitong nakaraang halalan.

Magkakaroon ng pagbabago sa Lagdameo family sa tagumpay na ito ni Anton sa pulitika. Para makapanilbihan sa kanyang mga nasasakupan, kailangang magtrabaho ni Anton sa Kongreso at nangangahulugang mas magtatagal na ito sa Maynila.



Sinabi ni Dawn na nakahanap na sila ng tutuluyan nilang mag-asawa, kasama ang anak nilang si Jacobo, rito sa Maynila. Tuwing weekends na lang daw kasi maglalagi si Anton sa Davao.



Samantala, ang ex-boyfriend ni Dawn na si Richard Gomez ay natalo naman sa kandidatura nito bilang senador. Nang hingan ng PEP ng kanyang reaksiyon tungkol dito, sinabi ni Dawn na baka hindi pa raw panahon ni Goma ang pagpasok sa pulitika. Besides, baka senyales din daw ito ng Panginoong Diyos sa iba pang mga naitakda para kay Goma at sa pamilya niya.



Bukod kay Goma, marami pang mga kasamahan ni Dawn sa showbiz na nagtangka sa pulitika ang nabigo ngayong halalan. Ano ang mensahe ni Dawn sa mga ito?



"There are many ways in which we can serve our country. There's a time and season for everything under the sun," sabi ni Dawn.



Ngayong isa nang ganap na congressman si Anton, hindi kaya yakagin din si Dawn ng kanyang mister sa pulitika? Ganito ang nangyari noon kina Ralph Recto at Vilma Santos. Si Ralph lang ang unang nagpatianod sa pulitika, at sumunod na si Ate Vi, na mukhang ayaw talagang papigil, lalo ngayong nanalo ito bilang bagong governor ng Batangas.



"I surely won't be lured into anything I feel is not my place. I don't want to, and I don't have plans to go into politics. I think having my husband in it is enough. The best that I can do is be his supportive wife," sagot ni Dawn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May mga bagong kontrata si Dawn for endorsements na papasok this June. Magpapatuloy rin ang pagte-taping niya ng isang fantaserye para sa ABS-CBN. Back to normal ang lahat sa kanya—bilang ina at maybahay, at higit sa lahat, bilang artista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN