Jericho Rosales shows his feminine side


"Mahirap din. Kung minsan, naiuuwi ko sa bahay o kahit ‘yongnagpapahinga kami sa set, dala ko pa rin ‘yong character... Pero tinanggap koang role kasi sigurado akong lalaki ako," says Jericho Rosales about playing a woman in an episode of Lovespell.



No regrets si Jericho Rosales kung almost ten months man niyang pansamantalang tinalikuran ang pag-arte upang pagtuunan ng pansin ang kanyang singing career. Ito ang pahayag ni Jericho sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng "Ellay Enchanted" episode ng Lovespell kahapon, May 22, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Ang "Ellay Enchanted" ang unang acting job ni Jericho pagkatapos ng mahabang panahon. Ginagampanan dito ni Jericho ang isang lalake na naging babae dahil sa sumpa. Paano siya napapayag na tanggapin ang naturang role?

"Nang unang i-offer sa akin [‘yong role], nag-isip muna ako, hindi ako sumagot agad. Umuwi pa ako ng bahay para mag-isip kung kaya ko ba," nakangiting pahayag ni Echo.

"Pinapanood nila sa akin ang Tootsie [Oscar-winning film starring Dustin Hoffman] dahil hindi ako bading dito, kundi babae talaga. Nang sabihin ko kay Heart [Evangelista, Echo's girlfriend], sabi niya sa akin, ‘Galingan mo, huwag mong gawing slapstick o gay.'

"Inaamin kong medyo mahirap. Kailangan kong pag-aralang magsuot ng high heels, size 10 ako, e. Nag-trim ako ng kilay ko, ngayon lang tumutubo ulit. Kailangan kong maglagay ng fake na fingernails, fake na boobs na inaabot din ng ilang oras bago mailagay, at mahirap magpalit ng boses. Pero lagi kong iniisip si Heart. Sabi nga nila, kahawig ko raw si Heart kapag babae ako.

"Mahirap din. Kung minsan, naiuuwi ko sa bahay o kahit ‘yong nagpapahinga kami sa set, dala ko pa rin ‘yong character. Minsan nasa dressing room kami, nalaglag ‘yong kurtina, nandoon sa kabila sina Iya [Villania], napatili ako dahil naka-brief lang ako. Ganoon din sa bahay, kung minsan, may mahulog lang, napapatili ako. Pero tinanggap ko ang role kasi sigurado akong lalaki ako," natatawang wika ni Echo.

Dagdag pa niya, "May na-realize ako sa pagganap ko bilang isang babae, kung gaano pala ang pinagdaraanan nilang hirap. May scene pa nga ako na nagkaroon ako ng monthly visitor at mahirap pala. Mabuti na lang hindi ako nagbuntis dito. Kaya saludo po ako sa lahat ng mga babae."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat din si Jericho sa kanyang home studio, ang ABS-CBN, na binigyan siya ng isa pang pagkakataon pagkatapos niyang magpalit ng management, from Star Magic to Genesis. Bagama't nasa Genesis pa rin siya ngayon, kasama ang kanyang girlfriend na si Heart, ay tinanggap pa rin siya ng Kapamilya Network.

"Totoo po na takot din akong bumalik, pero maganda pa rin ang ipinakita nila sa akin. Alam ko kasi na marami akong na-disappoint na tao nang basta ko na lang pinabayaan ang pag-arte ko. And it hurts me na marinig na laos na raw ako, hindi na ako sikat. Masakit po marinig dahil for almost ten years in showbiz, I work so hard tapos laos na pala ako.

"Para kasi sa akin, ang mga artistang tulad namin, dapat may time din na magpapahinga. After ng Ang Panday at Pacquiao The Movie, nag-decide akong mag-concentrate muna sa music. Hindi man ito kasing-laki ng kinikita ko sa pag-arte, may fulfillment sa akin dahil I love my music," pahayag ni Jericho.

Bukod sa Lovespell ay nakatakda ring gawin ni Jericho ang isang primetime drama series sa ABS-CBN, ang Pangarap na Bituin, kung saan makakasama niya sina Sarah Geronimo, Rica Peralejo, at Yeng Constantino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN