Iya reacts to Ethel's claim that she slept with Drew


"He's such an intelligent man. I don't think he will do it, lalo na with that act. Kasi in our relationship, it's so sacred to us na I don't think na mababalewala lang ‘yon sa kanya and he's gonna do it with whoever is there," says Iya Villania about Ethel Booba's claim that she had slept with Drew Arellano, Iya's boyfriend.



Nag-react for the first time si Iya Villania tungkol sa rebelasyon ni Ethel Booba na nakasiping niya ang boyfriend ni Iya na si Drew Arellano sa radio program ni DJ Mo Twister. Nakuha ng PEP (Philippine Entertainment) ang reaksiyon ni Iya sa press con ng latest episode ng Lovespell na
"Ellay Enchanted," na pagbibidahan ni Jericho Rosales sa direksiyon ni Wenn Deramas, kahapon, May 22.



"I've learned about it from Drew. He called me while Ethel is still answering some question. Actually, it was our anniversary noong time na ‘yon. Hindi kami magkasama. He just called me," panimulang kuwento ni Iya.

Ano ang sinabi ni Drew sa kanya sa phone tungkol sa interview ni Ethel?



"Wala, first warning lang," sagot ni Iya. "‘Honey, huwag kang magulat. Right now, Ethel is being interviewed sa ‘Forbidden Questions.' She mentioned my name.' ‘Yon lang. Then, he just laughed. He finds it funny."



Ano naman ang naging reaksiyon ni Iya?



"Siyempre nagulat din ako na, ‘Oh, my goodness nabuhay na naman ulit ‘yong tsismis.' But I end up laughing din, e," sabi niya.



Nagalit ba siya o nagselos?



"Hindi naman ako nagalit, much more nagselos. I guess awkward lang kasi nabuhay na naman ‘yong tsismis. Namatay na tapos nabuhay ulit ‘yong tsismis. Matagal na siyang tsismis actually. I think kami na ni Drew, and the tsismis was already around," ani Iya.



Ano ang naging explanation sa kanya ni Drew kung bakit natsismis sila noon ni Ethel?



"Wala namang explanation," sagot ni Iya. "This is what she's saying. This is what she believes. Drew has nothing to explain to me, e. We find it funny kasi, e. As if! ‘Yon lang ‘yong sa kanya."

Sinasabi ba ni Drew sa kanya na ilusyon lang ‘yon ni Ethel?



"Oo!" mabilis na sagot ni Iya. "Kasi, bakit niya minention si Troy [Montero], si Drew, at kung sinu-sino pa?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi siya naniniwala na posibleng may nangyari kina Drew at Ethel?



"I find it funny. It's hilarious. Whatever she wants to believe... Well, actually, I agree with Aubrey [Miles]—libre lang ang mangarap," patutsada niya.



Wala siya ni katiting na pagdududa kay Drew na posibleng may nangyari nga sa kanila ni Ethel?



"Malay?! Si Drew?! He's such an intelligent man. I don't think he will do it, lalo na with that act. Kasi in our relationship, it's so sacred to us na I don't think na mababalewala lang ‘yon sa kanya and he's gonna do it with whoever is there."



Sinabi namin kay Iya ang opinyon namin na kahit sinong napaka-intelihenteng lalaki 'pag nandiyan na ang tukso, may nagpapadala rin.

"That's true," sang-ayon ni Iya. "I'd like to believe na he's not the kind of guy."



Ibig sabihin, buong-buo ang tiwala ni Iya kay Drew.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN