Angelica Jones's boyfriend breaks up with her because of politics


"Siguro, isang pagkakamali ko na hindi ko muna inisip ang para sasarili ko. Iniwan ako ng boyfriend ko because of this. Siguro, ito‘yong naging kapalit sa naging desisyon ko. Parang gusto kong tanunginang sarili ko ngayon kung tama bang lahat ang mga isinakripisyo ko paralang ako magkaganito in the end," says Angelica Jones.


Masamang-masama pa rin ang loob ng mag-inang Angelica at Beth Jones nang makaharap sila ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Rembrandt Hotel. May kinalaman pa rin ito sa pagkatalo ni Angelica sa pagtakbo niya bilang board member sa Laguna nitong nakaraang halalan.



"Noon pa naman talagang ginagawa ko na ang tumulong at makatulong sa kapwa ko. At dumating ‘yong pagkakataon na ang isang kaibigan, lumapit sa akin at gusto raw ng isang congressman sa 3rd Distruct ng Laguna—kung saan din naman kami nagmula—na kunin ako para tumakbo," sabi ni Angelica nang tanungin kung bakit niya naisipang sumabak sa pulitika.



Pero sa naging takbo ng mga pangyayari, naramdaman at napatunayan ni Angelica na she was only taken for a ride. Kung ano raw kasi ang mga ipinangako sa kanila ng mga kausap nila sa situwasyong ito—lalo na't may kinalaman sa kanyang mga gastusin—ay hindi naibigay sa kanya.



Wala raw ang mga poll watchers na ipinangako, pati na ang perang ibabayad nila sa mga tumulong sa kanila sa kampanya. Wala rin daw ang mga lawyers na ipinangako sa kanila.



Lalo pa raw sumakit ang loob ni Angelika dahil sa pitong bayan ng Laguna, nanguna siya o umungos sa bilangan with more than 7,000 votes. Pero nalaglag siya sa San Pablo kung saan naroroon pa man din ang karamihan ng mga kamag-anak nila.



"Ang gusto ko lang namang sabihin sa nangyari, e, ‘yong kitang-kita mong pandarayang ginawa nila para lang ako malaglag. Kasi may mga kamag-anak kami na may mga voter's ID na hindi nakaboto dahil wala ang pangalan nila sa listahan.

"Noong bilangan na, dalawang ballot boxes ang nawawala. Hanggang sa na-delay nang na-delay na ang bilangan. Pero noong magbilangan na, sobra na sa listahan ng mga boboto ang nabilang. At nawawala ang mga pangalan ng mga registered voters. Ang mga patay naman, nabubuhay sa mga listahan," naghihimutok na salaysay ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ready na raw si Angelika na idulog na sa mga kinauukulan ang kanyang reklamo dahil nakakuha na siya ng mga ebidensiyang dapat niyang ipakita.

Nalulungkot din si Angelika sa mga kasiraang natanggap niya sa panahong naging abala siya sa kampanya sa iba't ibang lugar sa Laguna.



"Nandiyan ‘yong sinabi nilang kapag wala ako sa Laguna, e, nagka-kampanya ako sa ibang kandidato para kumita. ‘Yong sinasabi nilang kampanyang ginawa ko, was noong bago ako magsimula sa kampanya ko dahil meron na kami talagang nasagutan before at nakakontrata ako doon. Pero noong kailangan ko nang magkampanya sa Laguna, natapos na ‘yon.



"Sabi rin nila, wala akong kuwentang magsalita sa mga pinagsasasabi ko sa speeches ko. Sana nagpupunta sila sa mismong kampanya ko para nakikita nila ang reaksiyon ng mga tao. Dahil wala akong isinusulat na speech at lahat ng sinasabi ko, e, kung ano ‘yong nanggagaling mismo sa puso ko.



"Wala naman daw akong plataporma. Hindi naman kasi ako gumawa ng mga ma-palabok na mga pangako sa mga tao. Pero ipinaalam ko sa mga tao ang concern ko sa mga gagawin ko para sa kababaihan, sa kabataan, sa mahihirap.



"Kami na rin ang kumuha ng mga artistang makakasama ko, hindi para lang sa kampanya ko kundi para na rin sa ibang mga kasama ko, kaya nandoon sina Mahal at Mura. Kung kailangan ko nang lumipat sa ibang lugar doon for my campaign, sila ang nagtutuloy ng show para hindi rin iwanan ng mga tao ang iba ko pang mga kasamang magsasalita pa sa harapan nila. Kami na ni Mama ang nagbabayad sa mga iniimbita namin. Nilapitan namin ang mga kapwa kong artista na nangako sa akin noon na tutulungan nila ako, na natulungan ko naman noong ako ang kinailangan nila, pero tinalikuran nila akong lahat," may hinanakit na pahayag ni Angelica.



Hindi na raw hangad pa ni Angelika ang maupo pa sa puwesto sa nangyari. Pero hindi raw niya pipigilan ang sarili para ituloy ang reklamong kanyang ihahain para lang mapatunayan na may pandarayang naganap sa kanya at ‘yon ang patutunayan at ilalabas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Marami nga raw siyang isinakripisyo. Even her lovelife. In fact, niyaya na pala siyang magpakasal ng kanyang boyfriend, pero they had to part ways dahil mas pinili nga muna ni Angelika ang ambisyon niya sa pulitika.



Dito na nagsimulang umiyak si Angelica.



Aniya, "Siguro, isang pagkakamali ko na hindi ko muna inisip ang para sa sarili ko. Iniwan ako ng boyfriend ko because of this. Siguro, ito ‘yong naging kapalit sa naging desisyon ko. Parang gusto kong tanungin ang sarili ko ngayon kung tama bang lahat ang mga isinakripisyo ko para lang ako magkaganito in the end.



"Itutuloy ko pa rin ang pagtulong sa kapwa ko. Tuloy pa rin ‘yong foundation ko para sa less fortunate. Babalik pa rin ako sa showbiz. Kung may mga death threats man sa akin sa mga tinatanggap ko pa rin na text messages, wala na akong pakialam. Gagawin ko kung ano ang tama. Nakapagsakripisyo na ako ng maraming bagay. Basta, ‘yong reklamo ko stands firm. Malabas ko lang ang totoo!" pagtatapos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN