Direk Wenn Deramas denies relationship with Matt Evans


"Sa akin, kapag hindi totoo, wala lang. Good luck na lang sa career niMatt dahil, at least, ang pangaral ko sa kanya, ‘Pinagbigyan ka ngDiyos doon sa wish mo, sa dasal mo, huwag mong pababayaan,'" says Direk Wenn Deramas about the rumor linking him to young actor Matt Evans.



Nilinaw ng direktor na si Wenn Deramas ang tsismis na inuugnay siya sa ex-Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition housemate at bida ng Pedro Penduko at ang mga Engkantao na si Matt Evans.



"Wala talaga kung ‘yong relasyong sekswal. Wala, kasi tinulungan ko siya na makapasok sa PBB," sabi ni Direk Wenn sa press con ng bago niyang programa sa ABS-CBN, ang Lovespell presents "Ellay Enchanted."



Kabilang si Matt noon sa art department ng production designer ni Direk Wenn para sa ginagawa niyang pelikula, ang D' Lucky Ones under Star Cinema. Muli silang nagkita nang lumipat ang kinabibilangang art department ni Matt sa telebisyon.


"Naguwaguwapuhan ako. Guwapo siya," pag-amin ng direktor.

"Tapos noong nag-taping ako ng Wowowee drama sa Batangas two years ago, nag-art deparment siya. Sabi ko, ‘Guwapo itong batang ito, huh. Dalhin n'yo nga siya, titingnan ko sa kamera.' So, tiningnan ko sa monitor. Ang ganda! Ang ganda ng mukha. Tapos tinanong ko, ‘Gusto mong mag-artista?' ‘Opo,' sabi niya. So, nagkuwento na siya ng buhay niya. Tinawagan ko si Laurenti [Dyogi]. ‘Laurenti, sarado na ba ‘yung ano [PBB Teen Edition]?' ‘Hindi, audition pa lang.' ‘O, may ipapa-audition ako,'" salaysay ni Direk Wenn.



"Hindi ko naman masasabing basta na lang siya kinuha dahil sa akin, kasi dumaan siya sa proseso. Pagkatapos ‘yon, natanggap siya. ‘Yon na. Nagdire-ditretso na ang career niya. Nagulat na lang ako usap-usapan na pala ng mga talent, na dyowa ko raw si Matt. Ako raw ang sumusuporta sa pamilya," natatawa pang sabi niya.

Siya nga ba?

"Wiz!!" tili ni Direk Wenn. "Tsaka respeto ko na rin kay Laurenti. Kahit na best friend ko ‘yon, bahala sila sa mga desiyson nila, di ba?"



Paano ba nagsimulang kumalat na sila na ni Matt at binubuhay pa niya diumano ang buong pamilya ng young actor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko rin alam," sagot niya. "May nakausap ako na talent na nagpatunay. Actually, may palpak din diyan ‘yong kaibigan ko na ang pangalan niya Bungo [Zoilo Barrel]. Kasi, kunwari, usap-usapan ano, ‘Eto, eto, kaibigan ko ‘yong Zoilo,' sabi nung isa mga katsismisan. Tanungin nga natin, ‘Totoo ba na si Matt at si Direk?' Nagbiro si Zoilo: ‘Ay, oo, true!' Ginanun nung Zoilo. So, ayun na, kaya kumalat. Kasama ko pa rin si Zoilo. Hindi ko naman siya tinalakan kasi di naman totoo.

"Alam mo naman siyempre na hindi puwedeng maging totoo," patuloy niya. "Hindi ko feel ‘yong bagets. My God! Seventeen lang ‘yon. Nakita ko ‘yong potential, nakita ko ‘yong istorya ng buhay. At hindi naman nagkamali ang lahat, di ba, dahil ngayon... So ibig sabihin, meron talaga akong mata sa puwedeng maging artista."

Hanggang ngayon daw ay tini-text pa rin siya ni Matt at never nakalimot. Lagi raw nagpapasalamat sa kanya ang binata. Mas naging matibay pa ang samahan nila bilang mentor-talent nang idirek ni Direk Wenn si Matt sa tatlong episodes ng Pedro Penduko.

"Ang relationship namin is ganun pa rin," diin ni Direk Wenn. "Hindi naman nagbago si Matt, e. Nakukutusan ko pa rin ‘yan kapag mali. Napagsasabihan ko pa rin siya."



Later, napag-isip-isip ni Direk Wenn na maaaring nabigyan ng malisyosong kahulugan ang pagyakap-yakap at paghalik-halik sa kanya ni Matt kapag nakikita siya ng binata na nakikipag-meeting sa Cork restaurant sa ground floor ng ELJ Building ng ABS-CBN.

May mensahe ba siya sa nagkakalat ng tsismis tungkol sa kanila ni Matt?

"Wala akong mensahe sa nagkakalat kasi hindi naman totoo," sabi ni Direk Wenn. "Sa akin, kapag hindi totoo, wala lang. Good luck na lang sa career ni Matt dahil, at least, ang pangaral ko sa kanya, ‘Pinagbigyan ka ng Diyos doon sa wish mo, sa dasal mo, huwag mong pababayaan.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi siya affected ng tsismis sa kanila ni Matt?

"Hindi," sagot niya. "Sana matsismis naman ako lay Echo [Jericho Rosales] dahil ginagawa namin ang ‘Ellay Enchanted!'"

BUSY DIRECTOR. Isa sa busiest directors ngayon si Direk Wenn dahil aside from "Ellay Enchanted," nakapag-story conference na rin siya para sa remake ng bagong fantaserye ng ABS-CBN, ang Kokey, with Alma Moreno, Redford White, Eugene Domingo, Jojie Lorenzo, Julia Padilla, at ang grand finalist ng Little Big Superstar na si Joshua, na siyang gaganap bilang best friend ni Kokey.



First week of June naman ay magsisimulang mag-shoot si Direk Wenn para sa pelikula niya sa Viva Films, ang Four In One, starring Rufa Mae Quinto, Eugene Domingo, Candy Pangilinan, and Gladys Guevarra.



Bandang July naman ay gagawin na niya ang Pasukob ng OctoArts Films starring Ai-Ai delas Alas and Rufa Mae. Kung ready na si Batangas Governor-elect Vilma Santos para mag-shoot by October or November, gagawin na nila ang Mama Mia with Ai-Ai for Viva Films. Kung hindi pa ready si Ate Vi, may plan B ang Viva na isa ring comedy film.



Si Direk Wenn din ang magdidirek ng OctoArts project na Mr. Housewife, na pagbibidahan ng magkasintahang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Kuwento ni Direk Wenn, "Originally, Regine Velasquez at Bong Revilla sa Imus Productions ['yong Mr. Housewife]. Nagulat ako nang pinatawag ako ng Octo Arts two nights ago. Nabenta ni Mel del Rosario [writer] sa Octo kasi naging busy sila sa eleksyon. E, na in-love si Boss Orly [Ilacad] kasi nabasa ko na rin ‘yon [script], nakakatawa. Hindi na ako nakabalik ng Imus dahil after Kapag Tumibok Ang Puso, nag-Cute Ng Ina Mo ako.

"Tinatawagan din ako nina Mother Lily at Roselle [Monteverde, Regal Entertainment], kaya lang hindi ako nagko-commit kasi naka-commit na ako sa iba. Gusto ko ring gumawa sa Regal talaga dahil si Mother Lily mismo ang nakikipag-usap sa akin. Tinanong niya ako kung kailan ako luluwag. Sabi ko, 'Baka po mga Enero [2008].' And they are willing to wait for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN