Vice mayors Teri Onor and Isko Moreno to make showbiz comebacks


Only a handful of celebrities won in the recently concluded May 14 elections. Two of them were Teri Onor (in photo), who was proclaimed as the new vice mayor of Abucay, Bataan, and Isko Moreno, who is now the vice mayor of Manila.



Balik showbiz daw si Teri Onor matapos ang ilang buwan ng kanyang pagliban para sa kampanya ng nakaraang eleksiyon. Ngayong naproklama na siya bilang vice mayor ng Abucay, Bataan, ready na raw siyang harapin ang trabahong nagpasikat sa kanya.

"Maririnig pa rin po ninyo ang aking mga tawa. Nami-miss ko na rin ang mga show," sabi ng celebrity politician.

Babalik din daw si Teri sa Eat Bulaga! Inaayos lang daw ng kanyang manager na si Jun Nardo ang kanyang schedule. Mayroon din daw niluluto na show sa GMA-7 para kay Teri. "At saka sa Klownz and Zirkoh, babalikan natin 'yan kasi kailangan din po natin ng trabaho," dagdag ni Teri.

Sinabi rin ni Teri na gagamitin niya ang kanyang showbiz connections para makatulong sa kanyang mga proyekto sa Bataan. Marami raw kasi siyang mga nakikilala sa mga shows na nakikitaan niya ng potensiyal na tumulong sa mga local projects niya.

Nagsasanay na rin daw si Teri na may nakakabit na "vice mayor" at "Honorable" sa kanyang pangalan. Ayon kay Teri, hindi lang daw basta titulo ang tingin niya sa mga katagang ito. Responsibilidad daw ang kanyang naaalala kapag naririnig niya ang mga salitang ito.

"Medyo nahihiya nang kaunti, parang hindi pa ako sanay. Ang bigat kasi ng nakapatong sa 'yong responsibilidad, e," sabi niya.

Tinanong din namin si Teri tungkol sa mga intrigang nagsulputan noong campaign period. Ilang tao kasi ang lumutang nong panahong ‘yon na nagsabing may utang diumano si Teri sa kanila.

Ayon kay Teri, isa-isa na raw niyang inaasikaso ang mga ito. Hiwalay rin daw ang kanyang buhay-pulitika sa kanyang buhay bilang entertainer, lalong hindi raw niya isinasama ang kanyang personal na buhay sa mga bagay na ito.

ISKO SPEAKS. Samantala, hiwalay rin daw ang buhay-pulitiko ni Manila vice mayor-elect Isko Moreno sa kanyang planong bumalik sa pag-arte. Pero ayon sa kanya, priority raw niya ang kanyang bagong role bilang pangalawang ama ng Maynila. Excited na raw siyang bumalik sa pag-arte, pero isang araw isang linggo lang daw ang mailalaan niya para rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Halimbawa mangyari Linggo may programa, kung hindi naman nakaka-istorbo sa oras ng gobyerno, hindi ko naman nagagamit ang oras ng pamahalaan, so walang conflict," paliwanag ni Isko, na nagsimula bilang isa sa mga miyembro ng That's Entertainment.

Mas discerning na rin daw si vice mayor Isko sa mga roles na kanyang tatanggapin. Hindi na raw puwedeng may temang sexy o may bisyo ang kanyang role.

"Ayoko nang gumawa ng ganoong mga pelikula. Napakahirap kasi, e, kinakabitan ‘yong pangalan namin ng honorable. We should act as honorable men," sabi niya.

Matatandaang maraming naglabasan na mga kontra-Isko posters noong eleksyon. Ang ilan dito may mga larawan na naka-underwear lang siya, kuha sa mga sexy films na ginawa niya noon. Pero ayon kay vice mayor Isko, hindi raw niya pinagsisisihan ang mga ginawa niya sampung taon na ang nakakalipas. Naging trabaho raw niya ang pag-aartista at proud daw siya sa kanyang mga ginawa.

Mapapanood si vice mayor Isko kasama si Yul Servo sa isang parangal na ibibigay sa kanila ni German Moreno sa Master Showman Presents Walang Tulugan ngayong darating na Sabado, May 26.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN